DIAMOND RING SA POST NI JESSY, MAY PAHIWATIG BA?

jessy mendiola

(NI LOURDES C. FABIAN)

LOURDES C. FABIANKUMALAT na naman ang espekulasyon that Jessy Mendiola and Luis Manzano are now engaged dahil sa recent post ng girlfriend ni Luis Manzano where she is wearing a stunningly beautiful diamond ring.

Komento nga ng iba, she might be modelling for a jewelry shop pero mas marami ang umaasa lalo na ang kanilang mga avid fans that wedding bells for Jessy and Luis are just around the corner. Kahit si Luis ay nag-comment on her intriguing Instagram post.

Bumuhos ang congratulatory comments on her post while others asked her if she is really engaged. Isang netizen ang nagkomento na sinagot naman ni Jessy.

She said that she is wearing the ring on her right hand. Ipinaliwanag niyang ang engagement ring is usually being worn on the left hand, so parang sinagot na rin niya ang kumakalat na espekulasyong nag-propose na si Luis.

Na wala pang magaganap na kasalan kahit ilang beses na niyang sinabi na handa na siyang pasukin ang buhay may asawa.

Kaya naman iisa ang tanong ngayon ng marami: Kailan ba talaga magaganap ang inaabangang wedding nina Luis at Jessy?

###

NATUWA ang mga supporters ng binansagang Optimum Queen of Teleserye na si Claudine Barretto now that she is making a comeback via ABS-CBN’s upcoming “Maa­laala Mo Kaya” episode with Jameson Blake mula sa direksiyon ni Raz dela Torre.

The former Star Magic talent is set to return to her home network after a long hiatus. Netizens already can’t wait for this to happen.

Nakatakda rin siyang mag-guest sa “Tonight With Boy Abunda.”

Malaki na ang ipinayat ni Claudine na magandang sign na handang-handa na talaga siyang maging active muli sa showbiz.

Hindi lamang ang nalalapit na paglabas ni Claudine sa weekly drama anthology ni Charo Santos-Concio ang inaabangan ng kanyang supporters, wish din nilang matuloy na ang planong pagsasama ng aktres at ni Piolo Pascual sa isang movie project.

Almost fifteen years na ang nakalipas mula nang magtambal sina Piolo at Claudine sa Milan ng Star Cinema, kaya nasasabik na ang kanilang mga tagahanga na magkaroon sila ng reunion movie.

Nakakatuwa namang pareho na sila ngayong Kapamilya talent ng ex-husband niyang si Raymart Santiago na napapanood na rin ngayon sa Ang Probinsyano. Was it just a coincidence? Posible kayang mabigyan sila ng project ni Raymart together?

Payag naman ba siyang magkasama sila sa isang proyekto? Iyan ang isa pa sa aabangan ng kanyang mga supporters.

Umaasa ang kanyang mga tagahanga na ito na ang simula ng muling pag-angat ng kanyang career. Very vocal si Claudine sa pag-aming ang nakatatandang kapatid na si Gretchen Barretto ang tumutulong sa kanya sa ngayon.

 

 

128

Related posts

Leave a Comment