DU30 BUMISITA SA SUGATANG SUNDALO: I HAD GOOSEBUMPS — MATTEO

matteo22

(NI JONATHAN ANG)

NOT once but twice na ang pagkukrus ng landas nina Matteo Guidicelli at Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang unang engkwentro nila ay naganap sa isang hindi pinangalanang meeting place noong Abril — ilang araw pagkatapos magpa-enlist ng aktor sa Army Reserve Command (ARESCOM) ng Philippine Army. Hindi isinapubliko kung ano ang kanilang pinag-usapan sa “interesting meeting” na iyon.

Sa pangalawang pagkikita nila, si P2Lt Matteo ang sumalubong sa Chief Executive at Commander-in-Chief ng bansa sa kanyang pagbisita sa mga sugatang sundalo sa Camp Navarro General Hospital sa Zamboanga City nitong Miyerkoles, Hulyo 3.

Aminado ang 29-year-old Kapamilya star na goosebumps siyang makaharap ang presidente up close and personal.

Pagbabahagi ni Guidicelli sa kanyang Facebook account:

“Yesterday July 3, 2019 — I had the honor and privilege of accompanying The Commanding General of the Philippine Army Lt Gen Alberto to visit our troops in Jolo, Sulu. I personally witnessed President Duterte award medals to our wounded soldiers that were victims of the bombing incident.

“‘I salute you!’ The president said to each wounded soldier.”

“I have to be honest and say I had goosebumps! The love, support and respect he gives to our men and women in uniform is beyond words.”

###

Lumabas na ang official posters and teasers para sa 15th Cinemalaya Filmfest. Aarangkada ang ‘most prestigious film festival of the Philippines’ sa CCP at mga piling sinehan ng bansa sa August 2 to 11.

Through the years, tumatak ang maraming de-kalidad na pelikulang napasali sa Cinemalaya. Kaya naman pagandahan din ng gawa ang 10 full-length finalists this year: Ani (The Harvest) by Kim Zuñiga and Sandro del Rosario (sci-fi coming-of-age); Belle Douleur (Beautiful Pain) by Joji V. Alonso (drama); Children of the River by Maricel Cariaga (drama); Edward by Thop Nazareno (coming-of-age); Fuccbois by Eduardo Roy, Jr. (suspense drama); Iska by Theodore Boborol (drama); John Denver Trending by Arden Rod Condez (drama); Malamaya (The Color of Ash) by Danica Sta. Lucia and Leilani Chavez (drama romance); Pandanggo sa Hukay by Shéryl Rose Andes (crime drama); and Tabon by Xian Lim (mystery crime).

Sa aming pagdalo sa press launch next week, asahan n’yong isi-share namin ang juicy tidbits na aming mapipiga mula sa #Cinemalaya2019 stars na kinabibilangan nina Iza Calzado, Mylene Dizon, Kit Thompson, Noel Comia Jr., Sunshine Cruz, Enzo Pineda, Raymond Bagatsing, Christopher Roxas, at marami pang iba.

Ilang tulog na lang at malalaman na natin kung walang tapon o kung may patapon ba sa 2019 batch ng Cinemalaya!

230

Related posts

Leave a Comment