ENRIQUE MAMAMANHIKAN NA BA SA PAMILYA NI LIZA?

enrique gil-liza soberano

(By LOURDES C. FABIAN)

TRENDING topic sa social media ang “immersion” na ginawa ni Liza Soberano sa UP Diliman recently.

Paghahanda ito sa romantic mature movie na gagawin nila ni Enrique Gil na ididirek ng hugot director na si Antoinette Jadaone.

Kinailangang mag-disguise si Liza habang nasa UP, pero eventually ay pinagkaguluhan din nang may makakilala sa kanya.

Isang art student ang gagampanang role ni Liza sa movie, samantalang si Enrique ay sa ibang school pumapasok.

Ang upcoming LizQuen movie ay produced ng Black Sheep,  isang subsidiary ng ABS-CBN Films.

Si Enrique naman, aminadong nagkaroon ng konting takot, subalit masaya ang naging experience niya sa isang public hospital nang mag-immersion siya.

May nadinig kaming chika na hindi raw pinayagan si Enrique na sa UP mag-immerse dahil sa look nitong richy-richy at sosyal na aura.

Parang hindi raw convincing na matawag na UP student ang guwapong aktor. Kaya, sa ibang university siya nag-immerse.

Balita ko, pang-Valentine 2019 film offering na ito ng Star Cinema.

Pagkatapos nito, magkasamang magbabakasyon ang dalawa sa U.S. ngayong darating na kapaskuhan.

Ito ang dahilan, kaya may mga nang-iintrigang baka mamamanhikan na si Enrique sa pamilya ni Liza since kasama rin nila ang mommy niya.

Sa side ng family ni Liza pupunta ang dalawa.

Ngunit, kaagad namang itinanggi ni Enrique ang ganitong haka-haka dahil ang totoong tason ay mamamasyal  lang daw sila ni Liza.

Pupunta sila sa L.A., Tahoe at Reno, Nevada. Kasama rin sa papasyalan nila ang Hawaii.

10

Related posts

Leave a Comment