ENRIQUE NATUTULOG NA SA BAHAY NI LIZA?

liquen12

(NI RK VILLACORTA)

HABANG nagkakagulo ang mga named stars and wannabe stars  sa showbiz na harinawa’y mapili sila as replacement ni Liza Soberano para sa pelikulang Darna, ang young aktres ay naka-move on na sa desisyon niya na mag-back out sa naturang project.

Sa katunayan, ang Star Cinema ay nagpa-search na for the new Darna. Nagpatawag na mula Luzon, Visayas at Mindanao habang ang perfect sana para sa Darna role ay naghahanda naman sa bago niyang teleserye with her “honey love” na si Enrique Gil.

Last Tuesday, I bumped into an old friend, Ian Buenaventure, na personal manager ni Liza. He told us about the young actress’ new project for the Kapamilya Network.

Sa June ang simula ng taping. No details were given yet.

We just hope na sana, worth the wait ang naturang television project na sort of pamalit sa Darna.

Lately, may kumakalat na chismis sa mga chat rooms na nagtatanong kung sina LizQuen ay nagli-live in na. Sabi, there are nights na ang binata ay natutulog sa haybols ng dalaga pero I doubt na may katiting na katotohanan ang bali-balita.

Knowing Ogie Diaz, Liza’s manager, suntok sa buwan na hahayaan niya ang dalaga na lumampas sa hindi dapat.

111

Related posts

Leave a Comment