GERALD ANDERSON ‘GHOSTING’ NA RIN KAY DENNIS PADILLA

SA panayam ni Boy Abunda sa kanyang television show na “Tonight With Boy Abunda” sa komedyanteng si Dennis Padilla, tatay ni Julia Barretto, natanong ang tungkol kay Gerald Anderson.

Matatandaang nasangkot si Julia at pinagbintangang third party sa hiwalayang Gerald at Bea Alonzo. Inamin ni Dennis na sinubukan niyang makipag-communicate kay Gerald, pero “Parang nakaapat na text na ako dun [Gerald] eh. Hindi siya sumasagot, eh.” Mensahe niya sa aktor:

“Dapat sagutin mo naman ‘yung text ko.” Pero bago ito, nakausap naman daw niya si Gerald. Pinaalala lang daw niya na anak niya ang balitang nililigawan ng aktor.

93

Related posts

Leave a Comment