GERALD, MARAMING NATUTUNAN SA BREAK-UP NILA NI BEA

(NI BOY ABUNDA)

KONTROBERSIYAL ang naging hiwalayan bilang magkasintahan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson ilang buwan na ang nakalilipas. Isa ito sa pinakamalaking balitang showbiz na pumutok ngayong taon.

Ayon kay Gerald ay ikinalungkot niya na talagang pinag-usapan ng publiko ang tungkol sa kanyang buhay pag-ibig.

“It was overblown, nakakalungkot because there are many bigger and real issues in the country kaysa love life ko. I think there are many other real, serious problems kaysa sa breakup namin, nakakalungkot. The Philippines has suffered from typhoons, earthquakes, food problems, etcetera. Hopefully their attention can focus on those issues,” makahulugang pahayag ni Gerald.

Upang makabangon mula sa hiwalayan nila ni Bea ay pinananatili ng binata na maging maayos ang lahat ng bagay na kanyang ginagawa sa ngayon. “Find something positive to do for your energies, because after a breakup, marami tayong kinikimkim. In my case, I got more involved in sports, particularly basketball,” pagbabahagi niya.

Halos dalawang buwang laman ng mga pahayagan ang tungkol sa masalimuot na love life ni Gerald. Sa loob ng ilang linggo ay maraming mga bagay umano ang natutunan ng aktor. Malaki rin ang pasasalamat ni Gerald sa mga kapamilya at malalapit na kaibigan na palaging nakasuporta sa kanya. “Throughout this period, I had many realizations and I gained strength from true friends who texted and people who cared. Their support meant a lot,” pagtatapos ng aktor.

 

109

Related posts

Leave a Comment