GIFT NI JESSY SWAK SA PAGIGING ‘ADIK’ NI LUIS

jessy123

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES C. FABIAN)

NAGDIWANG ng kanyang 38th birthday ang Kapamilya host na si Luis Manzano last April 21 kung saan binigyan siya ng surprise birthday party ng kanyang girlfriend na si Jessy Mendiola.

Pero bukod sa party, naghanda rin si Jessy ng another gift for her boyfriend which she gave to him during her guesting in the Kapamilya game show “Minute To Win It” hosted by Luis.

Sa nasabing episode, personal na inabot ni Jessy ang kanyang regalo kay Luis na para sa mga nakapanood ay nakakatuwa.  “Ginagamit mo siya lagi araw-araw,” clue na ibinigay ni Jessy bago binuksan ni Luis ang regalo.

Luis then opened the gift, showing a set of underwear and quipped: “Ang tanong, eto ba ginagamit ko ba araw-araw o gusto mong suotin ko araw-araw?”

Bukod sa isang set ng underwear ay binigyan din ng dalaga ang bf ng nail cutter as Luis explained: “Eto, nail cutter. Dahil ako ay adik na adik sa pagkalikot sa aking kuko.”

 

106

Related posts

Leave a Comment