HINDI N’YO NA AKO KAILANGANG DURUGIN PA – KRIS

krisaquino1

EXPRESS LOGO copy(NI RONALD M. RAFER)

TULOY  pa rin ang paglabas ng sama ng loob ni Kris Aquino kay Philip Salvador kaugnay sa paggamit sa pangalan niya sa mga campaign sorties ni Bong Go. Bagama’t tumawag at humingi na ng pasensya si Bong Go sa kanya, never namang nag-reach out sa kanya ang tatay ng kanyang panganay na si Josh.

Sa kanyang Twitter account na @krisaquino214, dire-diretso ang post ni Kris patungkol kay Ipe. Aniya….

“The Aquinos, most especially my mom, loved Josh. We never hid from you his autism & ADHD, and we’ll continue to love , care and protect him from a political battle that he shouldn’t be a victim of.

“Uulitin ko, yung nanay ni Josh, si KRIS AQUINO , walang ambisyon sa pulitika. Hindi nyo na kailangang durugin pa.

“Naaawa na lang ako sa kanya dahil multi-award winning actor sya, na ngayon pumayag na maging comedy relief.

“Opo, nagpabola nga ako sa taong nangakong maa-annul ang kasal niya. Nagpakabobo ako. Pero nang maghiwalay, hindi ko na ginulo ang buhay nya.

“Tumahimik nga ako nung 2014, habang kami ni Mayor HB, hiningan niya ng pera si Herbert, dahil gipit na gipit daw siya. Sa kahihiyan ko, nag-offer akong mag-reimburse dahil alam kong nagawa ni Phillip ‘yun kasi kumakalat na ang balita na nagkakamabutihan kami ni Mayor.”

Sa tingin namin ay may karugtong pa ang mga patutsada ni Kris kay Ipe at muli ay aabangan natin ‘yan. Ano kaya ang masasabi ng aktor sa lahat ng ito?

Magsasalita kaya siya upang ipagtanggol naman ang sarili o tatahimik na lang?

Abangan!

# # #

jpyce“We’re getting married!” ang post ni Joyce Ching sa kanyang FB account noong Feb 28, 2019 kasabay ng larawan niya at ng fiance na si Kevin Alimon – with matching singsing sa kanyang daliri.

Mauuna na nga si Joyce kina Barbie Forteza at Bea Binene na kasabayan niya sa “Tweenhearts” na mag-aasawa, pero next year pa naman ito magaganap.

Mabilis namang bumaha ng comments at pagbati ang aktres, kabilang na ang mga Kapuso na sina  Marian Rivera, Gabbi Garcia, Kyline Alcantara, Barbie,  Bea,  Derrick Monasterio at pati ang mga Kapamilya na sina Sofia Andres at Miles Ocampo.

Isang video director si Kevin, guwapo at mukhang mabait at bagay naman sila ni Joyce.

Si Kristoffer Martin ang una at huling naging BF ni Joyce sa showbiz.

Anyway, kasama si Joyce sa “Dragon Lady” na pagbibidahan ni Janine Guttierez.

Congrats Joyce and Kevin!

 

 

155

Related posts

Leave a Comment