LUNETA PARK BUKAS SA MGA GUSTONG MAGNILAY

golgota12

(NI DAHLIA S. ANIN)

BUKAS para sa mga nais magnilay-nilay at mamasyal ang tanyag na Luneta Park kung saan nagkalat ang mga violet na watawat bilang paggunita sa Kuwaresma.

Mayroong Station of the Cross sa loob ng parke mula alas  8 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi libre ito para sa mga gustong magdasal.

May pagtatanghal ding magaganap sa open air stadium nito sa Biyernes Santo tulad ng “Martir sa Golgota” alas 6:00 ng gabi. Sa Sabado naman itatanghal ang “Daan ng Krus The Musical” alas 7:00 ng gabi.

Para naman sa mga nais mamasyal kasama ang pamilya, bukas din ang ibang bahagi ng Rizal Park.

Malapit ang Luneta sa maraming simbahan gaya ng Manila Cathedral at San Agustin Church. Sarado naman ang mga branch ng National Museum mula Huwebes Santo hanggang Sabado de Gloria.

67

Related posts

Leave a Comment