ANG dami-dami palang mga Valentine concert noong nakaraang Biyernes, at kahit grabe pa rin ang takot sa COVID-19 na ‘yan, hindi naman natitinag ang mga tao, naglabasan sila para mag-date at manood sa mga paborito nilang singers.
Ang nakakalungkot lang, meron pa ring nag-cancel na ang Corona Virus ang dinadahilan.
Ang dami namang mas malaking concert na mas matao tiyak, pero ‘di naman sila nag-cancel.
Eh siguro hindi maganda ang sales ng tickets kaya nag-decide silang i-cancel na lang.
Ang nakakatawa nga, sa digital show namin ni Cristy Fermin noong Tuesday, ang concert ni Luke Mijares at meron din si Dessa kasama si Hajji Alejandro, ikinansel na nila.
Kawawa naman ang mga ganoong maliliit na concert producer dahil nahirapan talaga silang sumabay sa malalaking concerts, at pati na rin sa ibang concerts na mas maraming konek na sponsors at mga kaibigan para mapilit na bentahan ng tickets.
Ganun talaga! Sana makakuha pa sila ng ibang magandang date para may time pang makabenta ng tickets. Magagaling pa naman itong sina Dessa at Luke Mijares, kaya suportahan naman natin.
ALDEN RICHARDS GUSTONG MAKATAMBAL NI SARAH EDWARDS
Naku! Tawag nang tawag sa akin si Roselle Monteverde noong nagpa-mediacon sila ng pelikula nilang ‘Us Again’.
Bida raw sina RK Bagatsing at Jane Oineza. Hindi naman ako close sa kanila kaya deadma na ako.
Pero kuwento sa akin nina Gorgy, maganda raw ‘yung bagong Regal baby nila na i-introduce sa pelikulang ito.
Sarah Edwards daw ang name na buong ngiti niyang sinabing 27 years old na raw.
Kaya pinagsabihan siya ni Mario Bautista na minsan sa showbiz, may mga pagkakataong kailangan mong mag-lie.
Meron kasing showbiz age na hindi naman halata kung pinabata mo.
Nakita ko ang pictures nitong si Sarah Edwards, ang ganda niya, ang lakas ng dating at magaling siyang magsalita.
Puwede pa talaga niyang sabihing 21 years old pa lang siya.
Promising at puwedeng bigyan ni Mother ng break na magbida sa ilang pelikula niya noon.
Tinanong nga siya ni Gorgy kung okay ba sa kanya na magpaka-daring sa launching movie niya.
Sabi ni Sarah; “I think we’ll get there someday. But for now, siguro po more practice… parang nakakabigla po yata kung biglang daring.
“Masaya naman po ang experience for my first film here with Regal.
“As for the darings, I can imagine myself doing that later on,” maingat niyang sagot sa amin.
Si Alden Richards ang unang pumasok sa isip niya nang tinanong kung sino ang gusto niyang makatambal sa kanyang pelikula.
Pareho raw silang mahilig maglaro ng Mobile Legends kaya mag-i-enjoy na pag-usapan ‘yun kung sakali.
“Nagmu-mobile legends din po siya. May common ground na kami pag nakausap ko na siya,” pakli niya.
Nagkita raw sila minsan noong nag-host siya sa isang MPL na event ng Mobile Legends na kung saan dinaluhan ito ni Alden.
“One time, the most recent MPL, dumating po siya, and I was so starstruck po nang makita ko siya.
“Napakaguwapo niya po in person at nagpa-picture po ako, ang bait-bait niya po.
“Na-imagine ko rin po na kung maka-work ko siya, it’s going to be a really easy to work with someone like him,” saad ni Sarah.
Malay nga natin baka bumagay ang tambalang Alden Richards and Sarah Edwards.
Sa February 26 na pala ang showing ng ‘Us Again’ at tingnan n’yo kung may karapatang magbida itong si Sarah Edwards na mahalaga ang role na ginampanan sa naturang pelikula na dinirek ni Joy Aquino.
Nakita ko nga ang trailer, mukhang maganda siya. Kaya abangan natin ‘yan.
143