MAKAILANG ulit na nagmura at nag-dirty finger si Juan Karlos “JK” Labajo (original singer ng viral song na “Buwan” na may halos 100M views na sa YouTube) sa unang gabi ng Rakrakan 2019: 2 Days of Love, Peace & Music noong Marso 1, Biyernes, sa Circuit Makati.
Kasi naman, may isang fangirl from the audience na sumigaw ng “I love you, Darren!” na kagyat na ikina-‘bad trip’ ni JK.
Sabi ng 18-year-old singer, “Ay! Kami nga pala ang Juan Karlos (band). Ako nga pala si JK. Ito nga pala si… p*t*ng ina mo!” (with matching dirty finger). Ako nga pala si JK. Tigilan mo na ‘yan. Ayokong marinig ‘yang pangalan na ‘yan! Nakakabuwisit!”
Sa patuloy niyang pagpapakilala sa kanyang band members: “Ako nga pala si JK. Siya nga pala si Marcus. Siya nga pala si Clark. ‘Yun nga pala si Gian.” Ikaw ‘yung p*t*ng inang sigaw nang sigaw, kanina ka pa! Kayo nga palang mabait na audience, pwera ikaw, p*t*ng ina mo.”
Nag-ugat ang ‘pagkabuwisit’ ni JK kay Darren Espanto sa Twitter war nilang dalawa late last year. “Gayness at its finest” ang diumano’y pinukol ni JK kay Darren, samantalang “bakla” ang insulto o pang-asar na ganti ng huli sa una.
Hindi naman nagpaawat ang fans sa pagbibigay ng kanilang saloobin sa social media.
Heto ang ilan:
Mira Leria Campanan: “Bastos… Alam na ngang may alitan sila, ganun pa ang isisigaw…”
Irene Salamat Manalo: “Alangan namang mag-iloveutoo si JK, di ba? Hahaha!“
Gary-Marianne Vivares Adobas: “JK’s attitude is the exact opposite of what was printed on his shirt – CHILL!”
Paralejas Feliza: “Nagmura at nag-dirty finger, Baron Geisler (in the making) kaagad? Hindi ba pwedeng nabuset lang siya sa p*t*ng inang fan? Hahahahaha.”
# # #
Nominado sa Favorite Trending Pinoy category sina Liza Soberano, Julia Barretto, Kathryn Bernardo, at Yassi Pressman sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards 2019.
Bukod sa mga nabanggit na Kapamilya beauties, nominated sina Ella Cruz, Hannah Pangilinan, Kristel Fulgar, and Ranz Kyle & Niana Guerrero sa isa pang local category, ang Favorite Pinoy Internet Star.
Public voting ang magdidikta kung sino ang winners na ia-announce sa Nickelodeon Kids’ Choice Awards ceremony sa Marso 23, sa Galen Center sa Los Angeles, California, live on Nickelodeon, and either live or on tape delay across all of Nickelodeon’s international networks.
Mula ngayon hanggang March 22, pwedeng iboto ng fans ang kanilang idolo sa Kids’ Choice Awards website, kca.nick-asia.com. To be hosted by music mogul DJ Khaled, ang 32nd Nickelodeon Kids’ Choice Awards ay may Asian TV premiere sa Lunes, Marso 25, at replay sa Martes, Marso 26.
381