JOSHUA, JULIA: TOGETHER YET APART

(NI ASTER A. AMOYO)

Winakasan na nina Joshua Garcia at Julia Barretto ang kanilang halos tatlong taong relasyon bilang magkasintahan pero nananati­ling “the best of friends” ang dalawa dahil na rin siguro sa kanilang career bilang magka-loveteam.

Pumalo ang loveteam nina Joshua at Julia nang gawin nila ang pelikulang Vince and Kath and James na naging entry at nanguna sa takilya sa 2016 Metro Manila Film Festival. Magmula noon ay nagtuluy-tuloy ang kanilang tambalan at pagiging magkasintahan.

Ang first team-up nila ay nasundan ng Love You To The Stars And Back and Unexpectedly Yours na parehong nag-hit sa takilya noong 2017.

Noong 2018 ay ginawa nila ang I Love You Hater kasama si Kris Aquino.

And this year ay ginawa rin nila ang kanilang kauna-unahang zombie movie na Block Z na dinirek ni Mikhail Red na siya ring nagdirek ng Eerie nina Charo Santos at Bea Alonzo which was shown in the cinemas ka­makailan lamang.

Nagtambal din ang dalawa sa isang teleseryeng “Ngayon at Kailanman” na sinubaybayan ng marami.

Hindi pa naipalalabas ang Block Z kaya malamang, pagdating ng mediacon ng pelikula ay putaktihin ng entertainment media sina Joshua at Julia tungkol sa kanilang recent break-up.

Tiyak na apektado ang fans nina Joshua at Julia dahil sa paghihiwalay ng kanilang mga idolo pero tiniyak naman ng dating magkasintahan na buo pa rin ang kanilang loveteam kahit nagkahiwalay na sila bilang magkasintahan.

Samantala, malayo na nga talaga ang narating ng dating dancer-member ng Sining Kumintang, isang dance cultural group ng Batangas at ex-“PBB” housemate na si Joshua na mahilig tumugtog ng gitara at maglaro ng basketball sa kanilang lugar sa Batangas.

Joshua is regarded as one of the finest young actors ng kanyang henerasyon. Ipinakita niya ito nang gawin niya ang teleseryeng “The Good Son” in 2017, ang last TV series ni John Estrada with ABS-CBN  bago ito lumipat ng GMA.

Since 21 pa lamang si Joshua, malayo pa ang kanyang mararating bilang isang mahusay na actor at product endorser.

Malaki rin ang kanyang pagkakahawig sa seasoned actor na si John Lloyd Cruz. Kung aktibo lamang ngayon si John Lloyd sa kanyang career, maganda siguro kung pagsasamahin ang dalawa sa isang TV o movie project bilang magkapatid. Ang maganda, pareho silang mahusay umarte.

Sa part naman ni Julia, nagsimula na rin siyang gumawa ng proyekto na hindi kasama ang kanyang ex-boyfriend at ka-loveteam sa pamamagitan ng pelikulang Between Maybes na pinagtambalan nila ni Gerald Anderson mula sa panulat at direksyon ni Jason Paul Laxamana under Star Cinema. Ito ang inaakala ng iba na naging dahilan umano ng break-up nila ni Joshua – dahil sa pagkakaroon umano ng kissing scene nina Julia at boyfriend sa totoong buhay ni Bea Alonzo na si Gerald Anderson.

Samantala, aminin kaya ni Julia na naging boyfriend niya ang binata ng da­ting senador na si Jinggoy Estrada na si Julian Estrada bago niya naging boyfriend si Joshua?

 

100

Related posts

Leave a Comment