JOSHUA PATITIKIMIN NI JULIA NG BAGAY NA GUSTO NIYA!

julia barretto 12

I SAY(NI RK VILLACORTA)

BONGGA ang magiging Holy Week vacay ng aktor na si Joshua Garcia next week.

Yes, sa Semana Santa ay patitikimin siya ng girlfiend na si Julia Barretto ng never pa niya natitikman at inaasam-asam na masubukan at siguradong magugustuhan niya!

Yessss! Patitikman ni Julia ang boyfie ng isang bonggang bakasyon sa Hong Kong na dati’y pangarap lang ng binata.

Tulad ng pangako ng kanyang girlfriend, mag-e-enjoy ang binata sa pinaplanong bakasyon grande ng aktor sa dating British Colony.

As scheduled, siguradong mag-e-enjoy ang magsing-irog sa paglalakwatsa nila sa Disneyland at Ocean Park na dalawang theme park na pangarap ni Joshua marating noong bata pa lang siya at wala pa sa showbiz.

Bukod sa paglalamiyerda, syempre ay shopping galore din sila. Last year kasi ay sa Japan nagbakasyon ang dalawa kasama ang pamilya ng dalaga.

I just wonder kung sa bakasyon ng JoshLia sa Hong Kong this Holy Week ay kung sino ang taya? Or baka naman split sila sa bill.

Sa mga hindi Kapamilya, tigilan na ang wish na maging Darna, ‘noh!

HANGGANG ngayon, marami pa rin pala ang nagnanais na mapunta sa kanila ang role ni Darna na iniwanan ni Liza Soberano dahil sa kanyang finger injury.

Marami ang mga nagpapa­ramdam. Maraming mga pangalan ang nababanggit na pati mga taga-GMA Kapuso Network ay nakikisali sa gustong pumalit kay Liza gayong hindi nila batid or baka nakalimutan nila na ang karakter na Darna ay pagmamay-ari ngayon ng ABS-CBN Kapamilya Network.

Sinasabi na bagay daw kay Jennylyn Mercado, Kyline Alcantar, Nadine Lustre at marami pang iba ang role na hanggang ngayon ay hinahanap ng Star Cinema.

Kung hindi ka naman isang certified Kapamilya Star at under contract sa kanila, bakit nga naman nila ibibigay sa iyo ang role?

Kaya tigilan na ang walang saysay na kuda at suggestions dahil the Darna character na pamalit sa iniwanan ni Liza ay magmumula lang sa kuwadra ng ABS-CBN and Star Cinema.

A couple of years ago, nagkaroon ng kasunduan ang pamilya ni Mars Ravelo at ang ABS-CBN na ang mga likhang karakter ng pamosong manunulat (like Darna, Kaptain Barbel, Lastikman, Valentina, etc.) ay exclusively na pagmamay-ari ng kompanya.

Kung tama ang alaala namin, almost 50 years yata na exclusive property ng kompanya.

Ngayon, malinaw na? Tigilan na ang ilusyon na sila ang next Darna kung wala rin lang naman sila sa kuwadra ng ABS-CBN. ‘Yung iba ngang taga-Kapamilya at umaasa na sila ang magiging Darna, eh wala namang box-office appeal pero push pa rin ng push sa mga sarili!

My dears, tama na. Naisulat ko na nga a few columns ago na may daot or karma ang project.

Si Regine Velasquez kaya, pwedeng maging Darna?

 

 

236

Related posts

Leave a Comment