JULIA: MASAYA KAMI NI MOMMY, KAMING MAGKAKAPATID!

(NI BOY ABUNDA)

KAMAKAILAN ay mainit na pinag-usapan ang tungkol sa away ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto sa mismong burol ng amang si Miguel Barretto. Naging malaking palaisipan sa publiko kung ano talaga ang tunay na dahilan ng pagkakagalit-galit ng pamilyang Barretto.

Hanggang maaari ay hindi na umano sumasali o nakikisawsaw si Julia Barretto na anak ni Marjorie sa gulo o away ng kanilang pamilya. “I’m happy, masaya kami eh, kami ni mommy, kaming magkakapatid, masaya kami eh. Strong ang bond namin,” nakangiting bungad ni Julia.

Para sa dalaga ay mas naging matatag ngayon ang relasyon nilang mag-iina dahil sa mga nangyaring gulo. “I think in general kahit anong pagdaanan ng mga tao, ng mga pamilya, ng mga magkakaibigan, ng magkarelasyon, in general kahit anong pagdaanan, feeling ko nakakapagpatibay talaga ng loob, nakakapagpatibay ng relationship, ng love, ng connection,” makahulugang pahayag ng aktres.

Ayon kay Julia ay palagi rin siyang pinapayuhan ng ina kung ano ang dapat gawin upang mas maging mabuting tao para sa pamilya at sa kapwa. “Maraming payo si Mommy. Pero siguro ang favorite ko na payo niya is, ‘Don’t be late for work. Always be on time.’ No, I think it’s, ‘Always be the better person. Always be the better and kinder person, the bigger person always. And always leave it up to the Lord,’” pagbabahagi niya. Report from JCC

 

108

Related posts

Leave a Comment