Aminado si Ken Chan na ilang beses niyang iniyakan ang kalagayan ng kanyang ama na may kanser pero never siyang umiyak na kaharap ito.
Stage 2 cancer of the esophagus ang sakit ng ama ni Ken na na-detect July of last year lang.
“Lakas ako ng tatay ko po, eh.
“Sabi po sa akin ng mama ko, ‘Huwag mong ipapakita sa kanya.’
“Iiyak ako sa loob ng CR, ‘pag kunwari nasa hospital kami, nasa room kami.
“Tapos may isang time, isang beses nasa hospital kami, nanonood kami ng ‘24 Oras,’ biglang nakita niya ‘yung sarili niya sa ‘24 Oras,’ nire-report. Hindi ko po sinabi sa kanya kasi ‘yung tatay ko po, ayaw niya ‘yung nakikita ‘yung mukha niya dahil nahihiya po siya.
“Nagulat siya, wala siyang idea, may picture po niya, ako po ang nagbigay dahil dine-dedicate ko po ‘yung ‘My Special Tatay’ sa kanya.”
Ang “My Special Tatay” ay drama series sa GMA na pinagbibidahan ni Ken.
“Tawang-tawa po siya pero biglang naging seryoso ‘yung topic namin after that. Sabi niya sa akin, ‘Anuman ang mangyari, sobrang proud ako sa iyo.’
“And sabi ko, ‘Pa, etong ‘My Special Tatay’ dine-dedicate ko sa iyo.’
“Niloloko-loko ko siya.
“Pero nung hindi ko na makayanan pumunta ako sa CR, dun ko ibinuhos sa CR ng hospital, sa kuwarto po namin.
“Dun ko iniyak dahil ayokong makita niya na mahina ako – dahil ako ang lakas niya.
“Lalo na sa mga may cancer, dapat hindi natin ipinaparamdam sa kanila, na dapat ipapakita natin sa kanila na kaya! Dahil nade-depress sila at ‘yung depression at anxiety ang nagpapalala ng cancer cells.
“Scientifically-speaking, ganun ang nangyayari, mas nagiging active ‘yung mga cancer cells kung depressed or may anxiety ang isang tao.
“At ikaw ba naman, malaman mo na may cancer ka, ano ang mapi-feel mo, di ba?
“So nandito kami, nandito ako para sa tatay ko para pasayahin siya at maging malakas para sa kanya,” sinabi pa ni Ken. (SCENES / ROMMEL GONZALES)
177