KRIS INIURONG NA ANG KASO VS NICKO

kris500

MATAPOS ang mahabang sagutan nina Kris Aquino at ang magkapatid na Nicko at Jesus Falcis sa social media, inurong na nga ng actress-host ang kanyang demanda laban sa former business partner na si Nicko sa Mandaluyong City.

Unang nireport ng PEP.ph ang ruling base sa kopya nila ng resolusyon na sumang-ayon sa motion ni Kris na may petsang March 25. Ang kaso ay para sa qualified theft na may halagang P1.2 million, na diumano’y ginamit ni Nicko gamit ang credit card na para sa mga transaksyon na may kinalaman sa kompanya ni Kris.

Pitong kaso ng pagnanakaw ang inihain ni Kris sa pitong siyudad: Mandaluyong, Makati, Taguig, Quezon City, Manila, Pasig, at San Juan. Na-dismiss na ang mga kaso sa Pasig, Makati at Taguig. May pending case naman si Nicko laban kay Kris sa Quezon City Prosecutor’s Office para naman sa grave threats.

66

Related posts

Leave a Comment