LABRUSCA NAIS IPA-DEPORT NG DFA

LOCSIN-LABRUSCA

“JUST deport him.”

Ito ang naging pahayag ni Department of Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., sa kanyang twitter hinggil sa umano’y pambabastos ng half Filipino actor na si Tony Labrusca sa mga immigration officers kamakailan.

Nag-ugat ang umano’y paninigaw ni Labrusca nang hindi siya bigyan ng Balikbayan stamp dahil hindi niya kasama ang ina nang magbakasyon sa Filipinas.

Paliwanag ng actor na isang US passport holder na ipinanganak sa Canada, hindi niya alam na 30 araw lang siya puwedeng mamalagi sa bansa kapag hindi niya kasama ang kanyang ina.

Inamin ng 23-year-old Fil-Am actor sa kanyang paghingi ng tawad na nadalamang siya ng kaniyang damdamin.

Matatandaan na unang naging kontrobersyal si Labrusca nang mag-viral ang kissing seen nila ni Angel Aquino sa isang pelikula.

7

Related posts

Leave a Comment