NATATAWA lang ako sa gimik para sa pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards na Hello, Love, Goodbye para mapag-usapan.
Gusto ba naman na sina KathDen (tawag ng mga fans sa dalawa) ay i-link sa isa’t isa na kuning-kuning ay may romantic alliance na namamagitan sa dalawa na nabuo sa Hong Kong (lokasyon ng pelikula), lalo pa’t romance movie ito.
May anggulo pa nga na “Babe” ang tawag ng binata sa dalaga na alam naman natin na solid talaga ang tambalan in real life ng KathNiel na hindi pwedeng kuwestyuin.
Baliw-baliwan naman ang mga fans at nabubuhay sa ilusyon na base rin lang sa ilusyon tulad sa kaso ng AlDub noon nina Alden at Maine Mendoza. Sininghot nila ito with gusto gayong wala naman at never namang nagkaroon talaga, dahil iba ang interest at gusto ni Aden at hindi si Maine
To that effect din ang gustong i-push kina Kathryn at Alden – pero maagap na naninindigan at ipinapamukha ni Daniel that Kathryn is his woman.
In short, no love angle or romantic publicity spin for the two dahil sasablay sigurado at magmumukhang trying hard lang si Alden. Magiging “nega” lang ang dating ng binata gayong malinaw na malinaw na si Kathryn ay kay Daniel.
The fact na magaling naman si Direk Cathy Garcia Molina na tested na bilang box-office film director, no need for a romantic “love” angle for KathDen para mapag-usapan ang pelikula.
195