MAINE NAG-CELEBRATE NG BDAY, ‘FREEDOM’ KASAMA SI ARJO

armaine13

I SAY(NI RK VILLACORTA)

HABANG isinusulat namin ito (Wednesday, March 5) ay nasa Taiwan pa rin ang magsing-irog na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza.

Sa Taiwan, pagdating na pagdating nila, nag-food trip kaagad ang dalawa. Sa IG story ni Arjo ay nag-post siya ng isang shabu-shabu dish na kinain nila at photo ng resto.

Sa birthday vacation ni Maine – and at the same time ay celebration na rin ng ”freedom” nilang dalawa na nagmamahalan sa isa’t isa – ay hindi talaga maiiwasan na maispatan pa rin sila ng mga kababayan nilang mga Pinoy na nagnanais na magpakuha sa kanila ng pictures. Willing naman ang dalawa at pinagbigyan ang mga tagahanga at supporters nila.

Nagpalipad pa sila ng sky lanterns at nag-wish para sa isa’t isa sa sikat na tourist destination sa Pingxi, Taiwan.

From a reliable source, biniro pa nga raw sina ArMaine ng mga Pinoy fans nila na isa sa mga wish nila ay sila na ang magkatuluyan at ang wish naman daw ni Arjo ay ang lady love niyang si Maine ang babaeng ihaharap niya sa altar in white gown. Naghagikgikan na lang daw ang dalawa sa mga biro ng fans.

Sa nalalapit na kaarawan ng dad ni Arjo na si Papa Art Atayde, malamang sa hindi, ipapakilala na rin ng aktor ang kanyang love na si Maine sa Atayde family.

I’m sure, bukod kina mom Sylvia Sanchez na very supportive sa kanyang panganay, magiging super happy rin si Mamita Pilar (Arjo’s paternal grandmother) na ma-meet in person ang minamahal ng kanyang apo.

Sa pagbabalik nina Arjo at Maine from their vacation ay aasikasuhin naman ng aktor ang promo ng kanyang IWant series (his biggest break so far) na Bagman produced ng Dreamscape Entertainment na mapapanood na very soon online. 

# # #

Kapag confident ka sa estado mo, wala kang arte.

Ito ang description ng mga taga-Viva Films sa guwapong hunk na si Marco Gumabao nang tanggapin niya ang role as one of Nadine Lustre’s past boyfriend sa pelikulang Ulan na mapapanood na simula sa March 13.

Sa katunayan, kahit naibigay sa binata ang monicker na Viva’s Next Very Important Star, tinanggap pa rin ni Marco ang role as one of the three boyfriends of Maya, the character played by Nadine.

“It’s okey with me to play support. No big deal,” pahayag ni Marco sa amin during the grand media conference of the film by director Irene Villamor nang kunan namin siya ng picture sa isang sulok ng venue.

“There’s no small roles as an actor,” sabi ng binata. Dapat din abangan ng mga fans ni Marco ang pinakamalaking pelikula niya sa Viva, ang Just a Stranger with Anne Curtis.

 

 

 

 

 

81

Related posts

Leave a Comment