MAJA AT RAMBO, HINDI ATAT MAGPAKASAL

majas2

NOONG Linggo ay magkasamang dumalo sina Maja Salvador at Rambo Nuñez sa Film Development Council of the Philipines Ambassador’s Night. Kinilala si Maja sa naturang event dahil sa pagkapanalo bilang Best Actress sa Asia Content Awards noong isang taon. Hindi raw dapat pupunta ang binata sa FDCP Ambassador’s Night dahil inilalaan ng magkasintahan ang weekend sa kanilang mga personal na gawain. “Hindi talaga siya kasama kasi may usapan kami na every weekend, araw namin ‘yon. So sabi ko, sige na. So ngayon Sunday, so dapat samahan mo ako,” natatawang bungad ni Maja.

Sobrang proud naman ni Rambo para sa lahat ng mga biyayang nakukuha ng aktres. “Sobrang proud because matagal ko na naman siyang kilala. So to see ‘yung mga achievement niya throughout the years, regardless kung ‘di man kami nagkikita or what. Very proud, siguro it says a lot about ‘yung dedication niya,” nakangiting pahayag ni Rambo.

Matatandaang unang naging magkarelasyon ang dalawa sampung taon na ang nakalilipas. Nagkabalikan sina Maja at Rambo noon lamang nakaraang taon. “Doon ako natutuwa, ten years ago, hindi pa kami mature mag-handle ng relationship. Ngayon parang wala na kaming hindi kayang harapin,” giit ng aktres.

“Siguro we just have like more direction now like individually. So I guess that makes it easier now to handle the relationship. Kasi ‘yon nga, na alam namin kung saan namin gustong pumunta individually. We’re just gonna be in sync na lang,” paglalahad naman ng binata.

Napag-uusapan na rin ng magkasintahan ang pagpapakasal. Sa ngayon ay hindi muna makapagbigay ng detalye sina Maja at Rambo tungkol dito. “Basta magiging updated kayo. ‘Wag lang muna ngayon. Siyempre, hindi na naman kami mga bagets. So may mga napag-uusapan but hindi kami atat,” pagtatapos ni Maja.

 

131

Related posts

Leave a Comment