MARAMING CELEBRITY COUPLES IKAKASAL NGAYONG 2020

NAPAKAHUSAY talaga magtago ng detalye tungkol sa kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib ang celebrity couples na nakatakdang ikasal sa taong tao.

Hanggang ngayon ay clueless pa rin tayo kung anong petsa at lugar ikakasal ang ilang engaged couple tulad nina Angel Locsin at Neil Arce, Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, Sheena Halili at Jeron Manzanero, KZ Tandingan at TJ Monterde, Alex Gonzaga at Mikee Morado, Kris Bernal at Perry Choi at iba pa. Except for Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na sa March 14 na ang wedding date, wala tayong ibang details na nakukuha tungkol sa nalalapit nilang pag-iisang dibdib.

Binulaga na lamang ang publiko sa pagpapakasal ng longtime sweethearts na sina Megan Young at Mikael Daez ganoon din ng isa pang Kapuso couple na sina Juancho Trivino at Joyce Pring.

Pero mukhang malapit na ang wedding nina Angel at Neil matapos mag-post si Angel sa kanyang Instagram account na huling Valentine’s celebration na umano nila itong nakaraang Valentine’s day bilang magkasintahan.  The couple spent their Valentine’s day sa isang health spa.

ETHEL BOOBA NAGSILANG NG BABY GIRL

Isa nang ganap na ina ang controversial singer-comedienne na si Ethel Booba (Gabison) matapos nitong isilang ang kanyang first baby na isang girl sa kanyang present partner na si Jessie Salazar.

Inamin ng 43-year-old new mom na never umano niyang inasahang magkakaroon pa siya ng anak dahil masaya na umano siya sa kanyang mga pamangkin.

Sino nga naman ang mag-aakala na mabubuntis pa siya sa edad na 42?

Masayang-masaya si Ethel na nabiyayaan  siya ng isang anak na kanyang tinawag na ‘Little Booba’.

Ethel was six months pregnant last November nang siya’y sumali sa first Celebrity Edition ng Tawag ng Tanghalan ng noontime program na “It’s Showtime” kung saan siya ang tinanghal na grand winner.  Pero nalaman lamang ito ng publiko  matapos siyang tanghaling grand champion.  Ang buong akala ng iba na mataba lamang si Ethel.  Siya rin ang nagsabi na nakatakda siyang magsilang sa February at nitong February 14 ay isinilang niya ang isang healthy baby girl.

Masayang-masaya para kay Ethel ang kanyang mga kaibigan including Vice Ganda.

KIM SINORPRESA NI XIAM NG HIGANTENG FLOWER BOUQUET

Kakaiba talaga mag-isip ang singer-actor, writer, director at producer na si Xian Lim para ma-sorpresa at mapasaya ang kanyang girlfriend na si Kim Chiu.

Isang towering huge arm bouquet ang Valentine’s surprise gift ni Xian sa kanyang kasintahan na si Kim na hindi nga niya alam kung paano magkakasya sa kanyang sasakyan.

Ang kakaibang effort ni Xian para lamang mapasaya ang kasintahan ay isa sa mga nagustuhan ni Kim sa kanyang boyfriend who never fails her with surprises.

Sa sobrang mahal ng flowers sa Araw ng mga Puso, tiyak na napakamahal ng presyo ng kakaibang flower arrangement na ibinigay ni Xian kay Kim.  But more than the price, ‘yung napasaya, na-appreciate  at na-sorpresa niya ang kanyang girlfriend ay mas mahalaga para sa actor.

VETERAN ENTERTAINMENT WRITER NENE RIEGO PUMANAW NA

Isa na namang malungkot na balita ang dumating sa amin nang sumakabilang-buhay ang isang malapit na kaibigan at kasamahan sa trabaho, ang veteran entertainment writer na si Ate Nene Riego sa araw mismo ng mga puso, February 14.  She was 78.

Naiwan ni Ate Nene ang kanyang kaisa-isang anak na si Chinggay Riego-Datu, son-in-law at mga apo.

Si Ate Nene ay kasalukuyang nakaburol sa Floresco Memorial Chapels in Malabon.

Ang aming mahigpit na yakap, Chinggay.

 

153

Related posts

Leave a Comment