MATTEO NAGTARAY; SI MOMMY DIVINE ANG PINATAMAAN?

sarah200

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES FABIAN)

NA-PUZZLE ang mga tagahanga ng Pop Star Diva na si Sarah Geronimo sa pinakabagong tweet ng kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli na: “It’s your life. Take control of it. PERIOD.”

Although hindi diretsong tinukoy ng aktor, netizens were quick to speculate na patungkol kay Sarah ito. It is no secret to the public that Sarah was raised by a mother who really cares a lot in everything she does. The actress-singer’s mom, Mommy Divine Geronimo, has always been visibly protective of her daughter.

Duda ng marami ay baka napuno na si Matteo. Kilala naman kasi ang girlfriend niyang si Sarah na masunurin sa kanyang mga magulang.  Kaya naman netizens were quick to speculate na baka may kinalaman sa pagiging istrikto ni Mommy Divine ang nasabing post.

Kahit pa nga sabihing nasa marrying age na si Sarah, sumusunod pa rin siya sa kung anong sinasabi ng kanyang mga magulang lalo na ni Mommy Divine.

Duda ng marami, napuno na si Matteo sa Mommy ni Sarah kaya hindi niya napigilang maglabas ng disappointment na idinaan niya sa kanyang Twitter.

109

Related posts

Leave a Comment