MULA JOSHLIA, MAGIGING JOSHNELLA NA MGA BA?

LOURDES C. FABIAN(NI LOURDES FABIAN)

DUDA ng supporters niya, Janella Salvador is prioritizing her love life more than her career. Ito ay matapos kumalat online ang mga photos ng Kapamilya actress habang nasa Osaka Japan kasama ang rumored boyfriend na Fil-Brit model-actor na si Markus Paterson.

One week na silang nagliliwaliw sa Osaka. Sa Japan nila isi-celebrate ang birthday ni Markus today, June 3.

They have been spotted together on some events, with his family, and some travels, kaya naman lalong uminit ang usapin tungkol sa tinatago nilang relasyon.

Pakiusap ng mga fans ni Janella ay mag-focus ito sa kanyang career at huwag hayaang masayang ang mga opportunities.

Kasama pa naman siya sa bagong teleserye ni Maja Salvador na “The Killer Bride.” She needs a believable comeback at ito na iyon. 2016 pa ang huling teleserye niya.
Magandang ideya na pagsamahin si Janella na break na kay Elmo Magalona at si Joshua  na balitang break na rin kay Julia Barretto. So from JoshLia to JoshNella na? At paano na ang MarNella (Markus + Janella)?

Samantala, habang mainit na pinag-uusapan ang break up rumors ng dalawa online, Julia shared a Twitter post na nagbigay pag-asa sa JoshLia fans na mukhang magkakabalikan ang mga idolo nilang sina Joshua at Julia. Actually, maiksi pero very meaningful ang post ni Julia: “Uuwi’t uuwi sayo.”

88

Related posts

Leave a Comment