PAGBUBUNTIS NI AI-AI, MAS NAGING POSIBLE NA NGAYON

VIS A VIS copy.jpg(NI RONNIE CARRASCO III)

TRUE to her plan, pursigido si Ai-Ai delas Alas na bigyan ng supling ang kanyang asawang si Gerald Sibayan.

Ito ang nasagap naming scoop from a circle of college friends nitong ipagdiwang namin ang aming kaarawan (Aprl 7).

Now it can be told na may tatlong fertilized eggs si Ai-Ai or equivalent to three attempts para maging matagumpay ang kanyang planned pregnancy when planted into her womb.

Kung ang isa sa mga itlog na ‘yon will result in getting Ai-Ai pregnant sa unang pagsubok, no need to continue the process.

Kung sasablay naman sa unang pagkakataon, may dalawa pa.

Curious, we asked our source kung katulad din ba ‘yon sa kaso ni Korina Sanchez now blessed with Pepe and Pilar by Mar Roxas. May nagsilbi kasing surrogate mom in Korina’s case.

Sagot nito, hindi raw. Si Ai-Ai raw mismo ang magdadalantao.

Susog naman ng isa pa naming kabarkada, it won’t pose any problem, tutal naman daw ay healthy living ang pinaiiral ng komedyana for many years now (organic ang kinakain niya).

‘Yun nga lang, ibayong rest at pag-iingat ang kailangan ni Ai-Ai to realize her dream. Wala raw itong inilayo sa kaso ni Vilma Santos who had go through the rigors of carrying Ryan Christian many years ago (by Senator Ralph Recto).

To our recollection ay ito ang pangakong binitiwan ni Ai-Ai after their wedding. Nasa planning table nilang mag-asawa ang makapagprodyus ng anak whatever it takes. Ai-Ai is turning 55 this year (November 11 ang kapanganakan niya).

Dasal naming mabibiyayaan ng anak sina Gerald at Ai-Ai, most especially given the wonders of modern science.

# # #

Ogie Diaz is right all along.

Hot item man ang recent withdrawal ng kanyang alagang si Liza Soberano sa Darna project, but Ogie’s most recent meeting with the ABS-CBN and Star Cinema bosses yielded positive results.

In the works na ang teleseryeng muling pagsasamahan nina Liza at Enrique Gil, a follow-up to their “Bagani” plus isang pelikula.

Wala nang dahilan para magkaroon ng agam-agam si Liza as regards her family’s bleak future. She may have lost one project but she has gained two.  Sa ngayon, the slot is still open as to who will ultimately get the Darna role.

 

 

84

Related posts

Leave a Comment