PAOLO CONTIS LOYAL KAPUSO; “BECAUSE THEY’RE LOYAL TO ME”

(By ROMMEL GONZALES)

Sampung taon na sa GMA si Paolo Contis kaya tinanong namin siya kung what makes him a loyal Kapuso lalo ngayon sa panahon na uso ang lipatan?

“Because they’re loyal to me,” mabilis na sagot ni Paolo.

“Hindi naman lingid sa kaalaman ng mga tao na may mga pinagdaanan ako when I was a Kapuso, during the time na Kapuso ako, diyan nangyari ‘yung mga malulungkot na parte ng buhay ko, but GMA stayed loyal to me and gave me work, and that shows na I should give my loyalty to them as well.”

Ilang taon ang nakakaraan ay may mga isyung pinagdaanan noon si Paolo pero ngayon raw ay masayang-masaya ang buhay niya.

“Yes, yes, very!”

Kailan ba ang kasal nila ni LJ Reyes?

“One day, soon, very soon.

“Hopefully by ano…basta pag puwede na, manganganak muna siya sa January, so ‘yun muna pinaghahandaan namin.”

Buntis ngayon si LJ sa una nilang anak ni Paolo.

Parehong magiging tatay sa loob ng ilang buwan ang mag-bestfriend na Paolo at Dingdong Dantes dahiil buntis rin ngayon si Marian Rivera.

“Mauuna ako ng konti. Nung isang araw lang napag-usapan namin. Siyempre ninong siya, automatic na ‘yun. Happy lang, kasi ‘yun naman ang gusto namin e, maging buo ‘yung pamilya namin, iba nga lang ‘yung sitwasyon nung sa akin, pero in God’s time everything will be better.”

Samantala, mas unang ginawa ni Paolo Contis ang pelikulang Ang Pangarap Kong Holdap bago ang Through Night And Day.

Paano siya napapayag na tanggapin ang pelikula?

“Actually, alam ko rin na creative partner dito si Alex, so sinabihan nga ako ni Alex na, ‘Uy maganda ‘yung pelikula, gawin mo.’

“Tapos ‘yun nga, nung pinresent naman sa akin at binasa ko naman. Maganda. Tapos during the time that we were shooting Ang Panagarap Kong Holdap, came Through Night And Day, na concept din ni Alex.”

Si Alex ay ang aktres na si Alessandra de Rossi.

Hindi ba nag-aalala si Paolo sa over exposure nagyong dalawang pelikula niya ang magkasunod na palabas?

“Tagal ko na ngang hindi nagpelikula, e. Ilang years. Tapos magkaibang genre naman siya, eto super male comedy na iba naman ‘yung kine-cater, ‘yung sa ano, romantic ano.”

Saan siya mas nahirapan?

“Mas nahirapan ako sa Through Night and Day, mas emotionally challenging siya, mas malaro sa emosyon, mas mahirap itayo ‘yung pelikula kasi dalawa lang kami.

“Eto kasi may katulong akong… actually nagsuportahan kaming apat dun sa characters e, so it was easier to shoot Holdap.”

“That’s the good part about working with real comedians para sa akin, ang mga totoong komedyante para sa akin, alam nila kung magbibigay sila o ite-take nila ‘yung punchline na ‘yun. Pag ginagawa namin ‘yung eksena, ‘Kay Jelson ‘to, pag ano kay ano ‘to.’

“Lahat kami nakasuporta, walang sapawang naganap, walang selosang naganap, bakit mas nakakatawa siya, bakit mas… wala, wala.

“And direk Marius was there to guide us well, maging maganda… smooth ‘yung batuhan, para maging patas ‘yung highlights ika nga, mga punchlines ng bawat isa. Technically, pinakakonti naman ‘yung sa akin because of my character, dahil dun sa twist ng character ko e, pero I had my moments na naging masaya naman ‘yung mga tao.”

Mabuti at napapayag siyang gumawa ng pelikula na ang direktor ay ang first time director na si Marius Talampas.

“Hindi ko naman tinitingnan ‘yun , nung pinresent nga sa akin…nandun si Marius nung pinresent sa akin itong pelikula. As long as na nakita ko naman na alam niya ‘yung ginagawa niya. Sabi nga niya, nung binasa ko ‘yung script… sabi niya kasi wala akong ano. It takes a very smart person to make a silly film, na may kuwento, dire-diretso pero nakakatawa.

“Pero silly siya, para sa akin matalino lang ang makakagawa nun. Hindi siya naniniwalang matalino siya eh, ‘yun din ang maganda dun, feeling ko, ‘Nagkukunwari lang ‘to e’, na hindi niya alam ginagawa niya. “Pero alam niya, alam niya ‘yung comedy niya e, sobrang alam niya ‘yung comedy niya. May mga hinihingi siyang acting na hindi ko gets, pero nung ginawa ko na-gets ko na, so he’s very smart, plus, I wanted to work with Pepe, Gerald and Jelson.”

Unang beses niya maging co-stars sina Pepe Herrera, Jerald Napoles at Jelson Bay.

“Oo, nakikita ko sila, napapanood…ilang beses kong pinanood ang Rak of Aegis dahil sa kanilang dalawa, and it was an opportunity to work with them.

Since bata si Paolo ay kilala siya as a comedian, pero nakakatawid naman siya sa drama.

“Suwerte ako sa ano e, suwerte ako sa… para sa akin like dun sa Bubble Gang, suwerte ako kasi…ako naman lalo ‘yung comedy ko is based on current events, I don’t play characters, so mostly binabase ko ‘yung comedy ko sa mga current events or maybe some characters that I play, so nasa pagre-reinvent mo na lang siguro ‘yun, lalo… eto first time kong gawin ‘tong ganitong klaseng role.”

Ang papel niya bilang si Nicoy sa Ang Pangarap Kong Holdap (na palabas sa mga sinehan ngayong November 28) ang tinutukoy ni Paolo.

Kaya hindi niya naisip iwan ang pagiging comedian at mag-crossover sa serious character?

“Yun ang maganda sa TV eh, you can do both. Pero hindi ko iiwan ang comedy.

“Mahal ko ‘yun, mahal na mahal ko ang comedy, lalo pag…pero pag wala na kong napapatawa siguro, baka panahon na para iwan ko comedy, pero sa ngayon masaya pa naman ‘yung tao na napapanood ako.”

136

Related posts

Leave a Comment