PARADE OF STARS INULAN, DINUMOG NG FANS

mmff

(NI JET D. ANTOLIN)

NATULOY ang inaasahang Parade of Stars para sa Magic 8 entries ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018, sa kabila ng masungit na panahon.  Ipinasilip din ang naggagandahang floats ng mga pelikulang kalahok na magbubukas sa mga sinehan sa Pasko. Ang  lungsod ng Parañaque ang nagsilbing host ng okasyon ngayong taon.

Nagsuot ng kapote ang mga stars at hindi binigo ang mga fans na naghintay sa gitna ng ulan.

Makukulay at magagarbong float ang inirampa na kinagiliwan ng fans at supporters na karamihan ay nakapayong at kapote at umaga pa lang ay nakapila na sa mga lugar na daraanan ng parada.  Isinara ang ilang kalsada at naglabas na rin ng alternatibong daan upang huwag maipit sa trapiko ang mga motorista. Nagsimula ang parade sa Shopwise sa Sucat, dadaan ng Dr. A. Santos Avenue kakaliwa sa V. Media Avenue, kanan sa Quirino Avenue, kaliwa sa NAIA Road, kanan sa Macapagal Boulevard at magtatapos sa Bradco Avenue.

Nanguna sa float ang pelikula nina Vice Ganda na Fantastica (Star Cinema and Viva Films), kasunod ang Otlum ng Horseshoe Productions, Aurora ni Anne Curtis (Viva Films), Rainbow’s Sunset nina Eddie Garcia at Tony Mabesa (Likhang Silang Entertainment), Mary, Marry Me, ni Toni at Alex Gonzaga, (Ten17, Inc), The Girl in the Orange Dress ni Jessy Mendiola at Jericho Rosales (Quantum at MJM Films), Jack Em Popoy (MZet, APT at CCM Productions) at One Great Love ni Kim Chiu (Regal Films).

Ang MMFF movies ay magbubukas sa December 25 hanggang January 7, 2019. Ang MMFF ay taunang tradisyon  na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naglalayong mai-promote at lumakas pa ang lokal na industriya ng pinilakang-tabing.

158

Related posts

Leave a Comment