PEPE HERRERA, JERALD NAPOLES, PAOLO CONTIS, WALANG TAKOT NA TAPATAN SINA SHARON, GOMA, AT KATHRYN!

(By MELL T. NAVARRO)

WALANG takot na tatapatan ng mga komedyanteng sina Pepe Herrera, Jerald Napoles, at Jelson Bay — with Paolo Contis — ang comeback movie ng tambalang Sharon Cuneta at Richard Gomez, with matching Kathryn Bernardo pa, on the side.

Magkatapat nga sa November 28 (Wednesday) playdate ang kani-kanilang mga pelikula — “Ang Pangarap Kong Holdap” (comedy flick starring Pepe, Jerald, Jelson, and Paolo, with that of “Three Words To Forever” ng Star Cinema, isang family drama movie starring the megastar nga with Goma and Kathryn.

Alam naman nating sa paghahanap ng playdate ng local films, sadyang “masalimuot” ito o matagal, mahaba ang proseso, lalo na kung baguhang film production pa lamang ang sumusubok ng kanilang suwerte sa pagpo-produce.  Tulad ng Mavx Productions, kung saan si Erwin “Lucky” Blanco ang owner at executive producer ng “Ang Pangarap Kong Holdap”.

Si Erwin ang siya ring “brainchild” na pagsamahin sa isang rom-com sina Alessandra De Rossi and Empoy Marquez, kaya “isinilang” ang super blockbuster movie ng 2017, ang “Kita Kita” ni Direk Sigrid Andrea Bernardo, na kumita ng 300 plus million pesos.  Although iba naman talaga ang impact ng “Kita Kita” sa moviegoers, “laban lang” sa side ni Erwin, dahil magkaiba naman aniya ang target market nila with that of Star Cinema’s.

Of course, alam nating higanteng film company ang Star Cinema, at excited ang lahat na makitang muli sa big screen sina Sharon at Richard, at ito rin ang unang pelikula ni Kathryn na hiniwalay muna siya sa ka-loveteam niyang si Daniel Padilla, kaya curious ang lahat.

Pero, sabi nga nila, ang lahat naman ay may espasyo sa industriya, lalo na ang new film companies — na may ibang putahe namang ihahain sa publiko.

Nakalabas na rin sa ilang pelikula at telebisyon ang funny comedians na sina Pepe (napansin sa “Ang Probinsiyano” ng ABS-CBN) at Jerald (regular sa “Sunday Pinasaya” ng GMA), kung kaya’t inaabangan rin ng kanilang followers ang pagsasama nila sa nakakatawang pelikulang ito (based sa online trailer), directed by Marius Talampas.

101

Related posts

Leave a Comment