PIA WURTZBACH BILANG PINAY SUPERHERO WAVE?

piawave12

KAMAKAILAN lang, nag-collaborate si Pia Wurtzbach sa Marvel Studios nang ininterview niya si Brie Larson para sa promotion ng pelikulang Captain Marvel. Kaya marami ang nagtatanong ngayon: May future work ba ulit si Pia with Marvel?

Marami rin ang nagtatanong kung mag-o-audition ba siya bilang Wave, ang pinakabagong superhero – at Filipino – ng Marvel Universe. “Definitely. If there’s gonna be an audition for it, I’m gonna try for that. Why not, di ba?” sabi ni Pia sa inteview with the press.

Ang beauty queen nga ang gusto ng maraming netizens na gumanap sa role. Matatandaang nang simula ng kasalukuyang buwan, ipinakita ng Marvel ang magiging itsura ni Wave, na ipapakilala sa pelikulang War of the Realms: New Agents of Atlas, na ipapalabas sa Mayo.

250

Related posts

Leave a Comment