PIA WURTZBACH, MARLON STOCKINGER HIWALAY NA

pia12

LATE last year pa, umugong na ang balitang hiwalay na si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang boyfriend na si Marlon Stockinger.

Nagsimula ito nang mag-post si Pia sa kanyang social media account ng, “No boyfriend? No problem!” Pero pinabulaanan ni Pia ang nasabing balita. Wala raw siyang sinasabing ganoon. Pero kahapon lang, kinumpirma ng batikang showbiz writer na si Ricky Lo na ang balitang hiwalayan ng dalawa ay totoo. Ito raw ang sagot sa mga tanong kung bakit walang pino-post si Pia lately (larawan man o update) tungkol sa kanilang wala.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit absent si Marlon sa unveiling ng Madame Tussaud statue ng beauty queen. Hindi naman binanggit ni Ricky Lo ang dahilan kung bakit naghiwalay ang dalawa. Tumagal din ng dalawang taon ang relasyon nina Pia at Marlon.

110

Related posts

Leave a Comment