ISANG malaking hiwaga, my dear editor BenThought, kung bakit ayaw ng ABS-CBN papuntahin sa Mindanao ang kanilang talents.
May memo ang ABS-CBN na bawal tumanggap ang kanilang talents kahit anumang raket sa buong isla ng Mindanao.
Una, naunsyami ang booking namin for Vhong Navarro para mag-judge siya at mag-perform sa isang big event sa napakalaking bayan sa gitna ng Mindanao. To think na dalawang beses na nag-show doon si Vhong.
Dahil sa memo ng ABS-CBN, hindi natuloy ang raket namin. Goodbye, sideline!
Pati si Piolo Pascual, ayon kay Direk Brillante Mendoza, ay bawal tumuntong sa Mindanao. Kaya binigyan ng ibang role si Papa Piolo.
Ito ang aming interview kay Brillante pagkatapos ng Sinag Maynila 2019 awards night sa Conrad Hotel last April 7, 2019.
Walang ibang choice kundi si Piolo para sa role niya sa Lupang Hinirang.
“Kasama talaga siya from the very start sa project na ‘yun. Actually, naiba lang ‘yung role… not because of schedule, dahil we have to shoot in Mindanao, at nag-isyu ng memorandum ang ABS-CBN that they don’t allow their actors to go to Mindanao,” kwento ng premyadong direktor
“So, iniba ko ‘yung role niya, syinut ko siya rito sa Manila. But my team will still go to Mindanao.”
Maganda ang karanasan ni Direk Brillante sa pakikipagtrabaho kay Piolo sa Lupang Hinirang.
“Actually, second na dapat ito. Kaya lang, as usual, ang mga problema ng actors na merong telenobela, ‘yung schedule. Pero naayos namin ang schedule this time, so nakasama siya sa pelikula.”
Tapos na ang mga eksena ni Piolo sa pelikula, pero matatagalan pa ang shooting ng ibang sequences.
Gusto ni Direk Brillante na idirek si Piolo sa isa pang pelikula.
“Well, I’m looking forward, kasi madaling katrabaho si Piolo. Hindi ko nga ini-expect na makaka-adapt siya ng ganoon kabilis sa style ko. Impressed din ako sa kanya dahil hindi ganoon na ini-expect ko.
“He’s very quiet. Nag-i-internalize siya sa set, which I like a lot. Kasi, ganoon ang gusto ko sa mga artista. Next year pa ang showing ng Lupang Hinirang.”
MINDANAO
Sa November nakatakdang ipalabas ang pelikula ni Direk Brillante na Mindanao, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Centennial (100 Years) ng Philippine Cinema na magki-kick off sa Setyembre.
Bida rito sina Judy Ann Santos at Allen Dizon.
At one point, ang title niyon ay Bayang Magiliw, na naging Maguindanao, bago naging Mindanao.
Iyong Bayang Magiliw ay gagamiting title ng isa pang movie na tatampukan din ni Piolo, kasama sina Baron Geisler, Roco Nacino, at Laurice Guillen. Naku! Baka puwedeng isama sa cast si Judy Ann Santos para mag-reunion na sila ni Piolo!
Natawa si Direk Brillante. “Hahaha! Sige… tingnan natin kung puwede.”
Ang latest, si Claudine Barretto ang nakakasama ni Piolo sa shooting ng Lupang Hinirang.
So naunahan ang Juday-Piolo reunion?
Naagaw na nga si Rico Yan, pati ba naman ang pagbibida sa reunion movie inaagaw pa rin ni Claudine?!
Hayuuup, talaga, BenThought!
149