RICHARD: NAGKAROON KAMI NG FALLING OUT!

(NI BOY ABUNDA)

KATULAD ng ibang magkarelasyon ay nagkakaroon din paminsan-minsan nang hindi pagkakaunawaan sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati. Normal lamang daw ito lalo pa’t ilang taon na rin silang magkasama sa iisang bahay. “Maraming mga instances na nagkaroon kami ng falling out. Nagkaroon ng challenges sa relationship namin but then we’re there for each other until now,” pagtatapat ni Richard.

Nagsisimula lamang umano sa mga simple o maliliit na bagay ang pinagtatalunan ng magkasintahan. “Hindi naman talaga muntik nang mag-break, but we have challenges, mga misunderstanding. Normal naman for a relationship to be challenged. Parang binibigay rin ‘yon ni God para ma-test kayong dalawa kung gaano n’yo kamahal ang isa’t isa and ‘yung relationship,” giit ng aktor.

Nalalapit na ang pag-iisang dibdib nina Richard at Sarah kaya talaga namang pinaghahandaan na ito ng magkasintahan. Mag-aanim na taong gulang na sa April ang panganay na anak na si Zion at mag-iisang taon naman sa March ang bunsong  si Kai. “Siyempre very exciting times in our lives, new chapter, new beginnings. Gaya nga nang sinabi ko, marami na kaming pinagdaanan for three years. This solidifies our relationship and it solidifies our relationship with God and for the family. It’s a next step in our relationship. Malalim na ang relationship namin, marami na kaming experiences and parang this is the perfect time for us to get married,” nakangiting pahayag ng aktor.

March, 2020 magaganap ang pinakaaabangang pagpapakasal ng magkasintahan kaya todo na rin ang ginagawang preparasyon nina Richard at Sarah ngayon. “Final stages na, finalizing everything kasi since malapit na. Marami rin ang tumutulong sa amin sa preparations,” pagtatapos ni Richard. -Reports from JCC-     

 

80

Related posts

Leave a Comment