RICKY LEE, NI-REVOLUTIONIZE ANG FAMAS AWARDS!

TAONG 1982 nang binuo ni Ricky Lee, ang most awarded scriptwriter ng Philippine Cinema, ang WHATTA MELkanyang Ricky Lee Scriptwriting Workshop. Simula noon ay never siyang nagpabayad o walang workshop fee ang kanyang workshoppers.

Ginaganap ang kanyang scriptwriting workshops sa mismong bahay niya sa Xavierville Subdivision sa Quezon City.

Naging part ang inyong lingkod ng Batch 20 (special short course lamang), pero ang buong course na Batch 21 ay kakatapos lamang recently, at kabilang sa graduates ng latest batch ay sina Cherie Gil, Agot Isidro, at marami pang filmmakers, ang iba’y mga award-winning na rin, ang iba ay repeaters rin ng ibang batches noon, pero nais muling mag-“refresh” sa kanilang panulat, mula sa isang henyo at maestro sa larangang ito.

Bilang isang fundraising project, nagbuo ang Batch 21 ng Ricky Lee Scriptwriting Workshop (they call themselves as “The Prodigals”) ng isang special play  entitled “Angels In America” (by Tony Kushner) sa March 31, Linggo, 8:00 PM sa Carlos P. Romulo Stadium, RCBC Plaza, Makati City.

Isa mismo si Cherie sa cast ng nasabing play, also with Angeli Bayani, Andoy Ranay, Art Acuña, Markki Stroem, Pinky Amador, at iba pa. Ito ay para sa benefit ng future scriptwriting workshoppers.

Ang tickets ay may price range mula P1500 to P3500 (balcony to orchestra center). For inquiries, makipag-ugnayan lamang kay Jane sa 0915-6982892.

Marami nang natulungan si Ricky sa industriya. Pero hindi mo ito makikitaan ng kayabangan.

Sa workshops niya galing (o nagsimula) sina Jeffrey Jeturian (member ng Batch 1), Lav Diaz, Jerry Sineneng, Dan Villegas, Segundo Matias (owner at publisher ng Precious Hearts Romance novels), just to name a few.

Si Ricky Lee rin ang sinasabing “nagbuhay” muli ng FAMAS Awards mula noong naging head siya ng oldest award-giving body na ito (2018), with Donna Sanchez of Megavision Productions as executive producer, pero siyempre, nandiyan pa rin sa eksena ang ibang FAMAS officers.

Gaganapin ang Gabi Ng Parangal ng FAMAS 2019 sa April 28 sa Meralco Theater, Ortigas Center, Pasig City.

Kasalukuyan nang nirerebyu ng pamunuan ng FAMAS, headed by Kuya Ricky (with Direk Mac Alejandre) ang mga nagpasa ng kanilang entries para sa various categories.

Sinasabi ngang tipong ni-“revolutionize” ng veteran scriptwriter ang FAMAS Awards dahil sa pagpasok niya ay nadagdag ang ilang importanteng categories, na wala sa nasabing award giving body noong araw — like ang Best Documentary Film and Best Short Film categories.

Binuwag na rin nila ang Best Child Performer category at kung may bata mang mahusay sa acting, puwede silang lumaban sa adults sa acting categories — lead man or support.

Ang FAMAS rin ay may Nominees Night, a few days (or weeks) bago ga­napin ang awards night, na masaya ang objective, upang mag-gather together over dinner ang lahat ng mga nominado habang wala pa ang ‘verdict’.  Ganyan rin naman ang practice sa Hollywood, kung kaya’t puwede rin naman ngang gawin sa Pilipinas. Ang Airtime Marketing Inc. ni Tessie Celestino-Howard ang exclusive marketing director ng nasabing awards night this year. (Whatta Mell! /Mell T. Navarro)

 

72

Related posts

Leave a Comment