RITA DANIELA BINASTED ANG MARRIED SUITOR NA KASING-EDAD NG NANAY N’YA!

(By ROMMEL GONZALES)

Dahil sa husay niya bilang character actress sa My Special Tatay ng GMA ay may mga nagsasabi na bu-kod sa Asawa Ko, Karibal Ko female star na si Thea Tolentino ay isa rin si Rita Daniela sa next Katrina Halili ng GMA.

“Bakit naman hindi? Mahusay na aktres si Ms. Katrina, ‘no! Maganda siya, so bakit naman po hindi?”

Tanggap na ni Rita na sa pagiging kontrabida siya nakalinya at tumatak siya sa viewers ng My Special Tatay.

“Dito ‘no, mars? E ‘yung blue eye shadow e,” bulalas ni Rita; bilang si Aubrey ay trademark ni Rita sa show ang kanyang matingkad na blue eye shadow.

At dahil sa impact niya as Aubrey ay nabuo na ang BoyBrey na pinagsamang Boyet (karakter ng bidang si Ken Chan) at Aubrey.

“’Yun na nga e, ‘yun talaga ang ano, unexpected ‘yun.

“Nag-uusap nga kami ni direk [LA Madridejos] kasi parang wala naman siya talaga in the first place, ta-pos wala, parang nagsasagutan lang kami, sabi daw nila may chemistry kami na nakikita sa mga sagutan.

“Nakakatuwa lang din kasi kahit ‘yung writers gumagawa din sila ng something, so ‘yun, kaya mas ano, natutuwa din siguro ‘yung mga iba. Naloka ako meron ng dalawa, ‘di ba may gumawa na ng parang fans club, magkaiba, Rita tsaka Ken, tapos nagre-request daw sila ng movie, ang taray naman nito, ‘teh!”

Bilang si Aubrey, mahilig siya sa matandang mayaman eh.

Sa tunay na buhay ba naligawan na si Rita ng matandang mayaman?

“Ayokong magsabi. Mga kasing edad ng nanay ko.”

Mayaman siya?

“Oo.”

May asawa?

“Oo eh, so hindi puwede talaga.”

Binasted mo?

“Opo.”

Paano mo binasted?

“Kinausap ko po.

“Sinabi ko na hindi siya…I like him as a person, but you know, hindi siya magwo-work kasi hindi talaga puwede at ayokong maging ganun, ayokong manira ng pamilya, ayokong maging…I don’t wanna be the bad person.”

Sa isang event nakilala ni Rita ang naturang lalaki.

Pulitiko?

“Hahaha! Oh, shucks! Lord! ‘Wag na po.”

Senador?

“Wala po akong sasabihin.”

Nung kinausap niya ito at tinanggihan, ano ang naging reaksiyon ng lalaki?

“Okay naman, naging ano naman, siyempre po ipinaintindi ko din sa kanya.”

Biro namin kay Rita na sana ay hinintay muna niyang binigyan siya nito ng kotse bago niya binasted.

“Hindi kasi ako ganun.”

Hanggang ngayon ay wala siyang boyfriend.

“Kasi si God muna.”

May nanliligaw ba sa kanya?

“Meron naman, pero si God muna.”

Bilang Christian ay active member si Rita ng Favor Church na nagmula sa Australia ang founder.

Four years ago nang huli siyang nagka-boyfriend.

10

Related posts

Leave a Comment