SA MGA NAG-‘OBER D BAKOD,’ SI ARCI ANG WAGI!

arci munoz12

SAKSI AKO copy(NI KC GUERRERO)

SA paglipat-bakuran ng mga artista, itong si Arci Muñoz ang angat sa lahat. Bida na siya sa pelikulang Last Fool Show ng Star Cinema, si JM de Guzman pa ang leading man! April 10 ang playdate.

Maliban sa suwerte sa career, ubod ding lucky siya sa lovelife.

Business mentor/adviser lang naman ni Arci ang apo ni Henry Sy Sr.,  the richest Filipino na nilisan na ang mundo kamakailan. Five  years at going strong ang relasyon nina Arci Muñoz  at Anthony Ng na apo ng pinakamayamang Filipino.

Kuwento pa ni Arci, kahit na galante ang kanyang bf na mahilig  magregalo ng mga  mamahaling bagay, never siyang naging “bilmoko.” Hindi siya mapagsamantala. Hindi abusado. Inexpensive daw ang kanyang mga kaligayahan. Marunong siyang makuntento.

Nang namasyal sila abroad at nag-shopping, kinontra pa nga ni Arci ang balak ni Anthony na bilhan siya ng branded shirt na nagkahalaga ng more than  P70,000.00. Shirt pa lang ‘yon, huh!

Masaya si Arci sa piling ni Anthony. She’s looking forward to be Anthony’s wife sooner. Botong-boto naman ang parents ni Anthony kay Arci. Ipinagluluto nga ng kanyang future-mother-in-law ang aktres. Sarap na sarap si Arci sa luto ng  mom ng bf.

Buti na lang at hindi siya nabubundat. Maintained ang sexiness. Tingnan n’yo ang kuha nila ni JM at Direk Eduardo Roy, Jr. sa last shooting day ng Last Fool Show.

Adik  naman sa kanyang bilugang mata ang dad ni Anthony. Gandang-ganda sa kanyang  eyes.

So, gusto na nilang magka-apo kina Anthony at Arci? Ano pa ba ang hinihintay ng ex-bf ni Erich Gonzales? Proposal na lang ang hinihintay ni Arci! Huwag lang OA na marriage proposal.

Sa ngayon ay may plano si Arci na pasukin ang online business. Sundin lang niya lahat ng advise ni Papa Anthony.

LOUISE DELOS REYES, HAPPY SA VIVA!

Pagkatapos ng pelikula niyang Hanggang Kailan with Xian Lim, na gandang-ganda kami sa trailer pa lang, may offbeat film naman ngayon si Louise delos Reyes.

Kuwento ni Louise na kilala naming Grace Perido noong TV commercial days namin (mga alaga ko, BenThought, ang leading men ni Louise sa iCool candy TV ad, at pati na sa Juicy Cologne, my fave editor):

“My upcoming film po ulit ako na shinu-shoot nowadays! Kasama ko sina Janno Gibbs, Cindy Miranda, Dennis Padilla, and Andrew E.”

Masaya si Louise sa takbo ng career niya sa pangangalaga ng Viva Artist Agency. Dahil sa Viva na siya kaya malimit sa Kapamilya nerwork siya nasisilayan. Sa “Ipaglaban Mo,” ang ganda ng role niya.

Inaabangan din natin ang mala-Arci Muñoz niyang movie mula sa Star Cinema!

 

 

101

Related posts

Leave a Comment