SAKIT NI KRIS DAHIL SA STRESS O LOVELESS?

kris500

VIS A VIS copy.jpg(NI RONNIE CARRASCO III)

HINDI lang homonyms o magkatunog ang mga salitang Ingles na “complication” at “implication.” These words are somehow connected, too.

Late last year, tinawag ng isang netizen na KSP (kulang sa pansin) at paawa effect si Kris Aquino for posting in her IG account ‘yung iba pa niyang iniindang sakit other than chronic spontaneous urticaria (ang dahilan ng pamamantal at pamumula ng kanyang balat).

These include hypertension, severe migraine, overproduction of thyroid antibodies and fibromyalgia.

Tuloy, one heartless netizen couldn’t help but resort to bashing Kris.

Iba naman ang aming take on Kris’ disclosure of his health condition. Bilib kami sa kanya kung ang magsisilbing peg o yardstick is being honest.

kris200While most celebrities perhaps tend to hide from the public ang kalagayan ng kanilang kalusugan for reasons na sila lang ang nakakaalam, here’s Kris who seems even proud of her ailment/s via a medical bulletin na siya na mismo ang nag-iisyu.

In stark contrast ito sa maraming pulitiko sa bansa na obligadong isiwalat ang kanilang kundisyon once elected to office ayon sa isinasaad ng batas, pero hindi nila inaamin.

But while Kris exercises her virtue of honesty, hindi maiaalis na isipin na ang pagbubunyag niya ng mga kumplikasyong ito’y may hatid ding implikasyon as far as her commercial endorsements are concerned.

Is Kris exempted from this – just because hindi naman siya celebrity endorser ng anumang health food,  health drink or multivitamin?

As for her single basher, malayo sa katotohanan ang sinabi niyang attention seeker, much less paawa effect si Kris.

She may be everything an anti-Kris perceives of her, but she’s neither KSP nor a pity-me girl.

Sinasabing ang mga sakit daw ni Kris ay bunga ng stress brought about by the acts of panloloko done to her by a former business partner.

Possible.

Pero possible ring ang iniinda ng kanyang katawan ay may kinalaman sa kanyang puso, and we don’t mean literally but rather kawalan ng taong minamahal niya at nagmamahal sa kanya.

Born on Hearts’ Day, love is what completes Kris’s world. Ang pagkakaroon ng minamahal is most probably the cure-all to this.

Panacea, you may wish to say.

168

Related posts

Leave a Comment