SARAH PINAYUHAN NI JUDAY SA PAG-AASAWA

(NI BOY ABUNDA)

NAGING malapit na magkaibigan sina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo mula nang magkasama sa pelikulang ‘Hating Kapatid’ noong 2010. Mula noon ay hindi na nawalan ng komunikasyon at nanatiling magkaibigan ang dalawa.

Posible nang magpakasal si Sarah at kasintahang si Matteo Guicicelli dahil napabalitang matagal na umanong engaged ang magkasintahan. Ngayon pa lamang ay inaabangan na ng lahat kung kailan mangyayari ang pag-iisang-iisang dibdib nina Sarah at Matteo. Binigyan ng payo ni Juday ang kaibigan tungkol sa pag-aasawa.

“Huwag mo lang masyadong seryosohin ang pag-aasawa. Darating siya eh, don’t stress yourself with things that you cannot control because it’s already there. Just enjoy the first years of marriage. The years na kayong dalawa lang,” nakangiting pahayag ni Judy Ann.

Isang dekada na ang nakalilipas nang magpakasal ang aktres at si Ryan Agoncillo. Masayang-masaya ang buhay pamilya ng mag-asawa kasama ang mga anak na sina Yohan, Lucho at Luna.  Para kay Juday ay dapat na namnamin muna nina Sarah at Matteo ang mga unang buwan at taon nang pagsasama bilang mag-asawa.

“Aralin mo, intindihin mong mabuti, pagsilbihan mo ang asawa mo. I’m sure si Matteo will serve her, take good care of her, protect her. Namnamin niya ‘yung moment, because iba ‘yung first months and first year ng bagong kasal. Ang sarap,” paglalahad ng Young Superstar.

 

112

Related posts

Leave a Comment