SARAH, SA 2033 PA MAKAKAWALA SA VIVA!

sarah geronimo12

(NI PETER LEDESMA)

SOBRANG wais ba ni Boss Vic del Rosario? O sadyang may karapatan ang big boss ng Viva Films at itinali talaga nito si Sarah Geronimo at pinapirma ng 30 years contract sa kanyang movie outfit matapos tangha­ling Grand Champion sa “Star for A Night” noong March 2003.

Kung susumahin ay 16 years pa lang si Sarah sa Viva. So, 14 years pa ang bubunuin ng Pop Star Princess bago nito matapos ang kanyang contract kay Boss Vic na ayon pa sa ating showbiz insider o spy ay 30% ang komisyon na kinukuha sa kanya bawat proyekto – mapa-TV, pelikula, o endorsements.

So kung ang edad ngayon ni Sarah ay trenta ay 44 yrs old na siya bago siya makawala sa Viva!

Well bago pa naging goldmine ni Boss Vic si Sarah ay total make-over ang ginawa nito sa singer-actress na aminin na nating hindi kagandahan noon.

Saka malaking pera ang ginastos ng kompanya ni Del Rosario sa pagbi-build up sa career ni Geronimo kaya dapat lang na makinabang siya rito.

At kung para sa iba ay ganid si Boss Vic ay opinyon nila ‘yun.

###

Flop na maituturing ang horror movie nina Tom Rodriguez at Jasmine Curtis na Maledicto na makababawi lang siguro kung  magkakaroon ng maraming screenings.

At dahil sa pagsemplang ng Maledicto sa takilya, siguradong hindi maiiwasang may malaking pressure ngayon kay Sharon Cuneta na bida sa Kuwaresma, katambal si John Arcilla.

Una, first horror movie ito ni Sharon at wala pa siyang napapatunayan sa ganitong genre.

Although mahusay ang kanilang director na si Erik Matti, wala pa rin talagang kasiguruhan kung kakagatin ba ito o hindi.

Kaya dapat ay magtodo-effort ang mga Sharonians at panoorin nilang lahat ang film ng kanilang iniidolong megastar.

###

Time flies fast talaga. Look at Ryzza Mae Dizon. Taong 2012 nang magwagi siyang Little Miss Philippines sa “Eat Bulaga!,” tapos binigyan ng daily exposure sa nasabing longest-running noontime variety show at solong morning talk show na “The Ryzza Mae Show” na tumagal nang mahigit dalawang taon sa ere.

Ngayon,  aside sa kasali pa rin siya sa “Eat Bulaga!” at napapanood sa isa sa patok na segment sa show na “BOOM,” ay nakapagtapos na sa Elementarya sa Eton International School ang tinaguriang the youngest talk show host sa local television.

Turning 14 na si Ryzza Mae ngayong June at sa murang edad, bukod sa nabiling bahay sa Congressional, Mindanao Avenue at sasakyan, may ilang investments din ito at bank account.

 

 

84

Related posts

Leave a Comment