NAG-DIRECT message sa amin sa Instagram ang ilang fans ni Maymay Entrata tungkol sa “kontrabida” na humaharang daw sa loveteam nila ni Edward Barbers. ABS-CBN insider daw mismo ito. Lagi daw itong nakairap kay Maymay.
“Sa ‘iWant ASAP’ po namin siya nakikita. Nagbe-beso naman si Maymay sa kanya pero lagi pong nakairap. Naaawa po kami kay Maymay. Wala syang kamalay-malay sa ginagawa sa kanya. ‘Di po namin alam kung bakit po hate na hate niya ang idol namin,” tsika sa amin ng Maymay fan.
Napaka-friendly daw naman ng kanilang idolo to deserve such “pang-iisnab” at “pang-iirap” lalo pa’t taga-Dos pa nga raw ito. Tingin daw nila ay ito rin ang humaharang kaya walang project sa TV si Maymay at si Edward.
Sana raw , kung ayaw nito kay Maymay ay ‘wag simangutan at irap-irapan ang idol nila. Saka sana raw ay magkaroon na ng solo project ang idol nila. Siyempre, si Edward lang ang gusto nilang forever partner ni Maymay.
Samantala, nasa 3 million na ang followers ni Maymay sa Instagram. Tuwang-tuwa ang “PBB” grand winner dahil dun. Hindi naman nakakapagtaka ‘yun dahil sa mga kasabayan niya ay siya ang pinakasikat at napakarami ng fans.
Mapapanood din si Maymay sa “MMK” kung saan pinaitim at kulot-kulutan ang hair nya. Nakakaiyak daw at napakaganda ng story nito mula sa direksyon ni John “Sweet” Lapus.
# # #
Malapit nang simulan ng Star Cinema ang first team-up movie nina Alden Richards at Kathryn Bernardo. Si Cathy Garcia-Molina ang magdidirek nito at 90% daw ay sa Hong Kong kukunan.
After Kathryn, si Julia Barretto naman ay ipapartner din sa iba, kay Gerald Anderson.
Mukhang patuloy ang ginagawang eksperimento ng ABS CBN sa mga talents nila which is good. Maganda ‘yung nakakatrabaho ng mga contract stars nila ang ibang actors na wala sa bakuran nila, gayundin ang ipartner naman sa iba ang artista nila na nakilalang may ka-loveteam.
Sa palagay namin, itong ganitong trend ang papatok at magpapabalik sa mga movie- goers sa sinehan. Feeling namin, naumay na sila sa mga loveteams na napapanood na nila ng libre sa TV, bakit nga naman magbabayad ng mahal sa sine? Kaya sunod-sunod na flop ang mga pelikulang pinalabas ngayong taon.
Sa aming palagay, gagawa ng matinding record sa takilya ang pelikula nina Alden at Kathryn. Kakaiba kasi. Bagong tambalan. Kapwa maraming followers.
May nakaisip na bakit hindi naman itambal si Daniel Padilla kay Maine Mendoza? Walang kumagat. Langaw. Eh, bakit hindi kay Arjo Atayde ipartner si Maine? Lalong walang kumagat. Dameng langaw.
So it’s the Alden and Kathryn movie ang aabangan. Pagkatapos nito, magsosolo na si Alden at puwede nang ipareha kahit kanino na hindi siya maba-bash. After all, mas mahal si Alden ng mga fans niya at maging ng AlDub Nation.
Pak!
191