INARESTO ang American pop star na si Maggie Lindemann habang ito ay nagsu-show sa isang shopping mall sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Sabi ni Maggie sa kanyang Instagram post: “I’m sorry to the fans that came out to the Malaysia show. I was detained and arrested midway through my set and… confined in a living hell.” Sinabi ng Malaysian authorities na inaresto nila si Maggie dahil wala itong professional visit pass para legal na makapag-perform sa Malaysia.
Na-confine siya for 5 days mula ng insidente noong June 21, pero nitong July 4 lang niya pinost ang tungkol dito. Sumikat ang singer-songwriter dahil sa mga social media videos niya. Ang 2016 debut single niyang “Pretty Girl” ay pumasok din sa Philippine Hot 100 chart.
130