VICE, ANNE SANIB-PWERSA SA MMFF 2019 MOVIE!

viceanne12

shumo-showbiz copy(NI JONATHAN ANG)

MALAMANG ma­ging blockbuster sa Christmas Season ang pagsasanib-pwersa nina Vice Ganda at Anne Curtis.

Malamang din na pang-MMFF ang first major film nilang dalawa together dahil Kapaskuhan ang target showing date nito.

Matapos magbida sa magkahiwalay na Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 entries, namely Fantastica and Aurora, magkakasama sina Vice at Anne sa isang pelikulang wala pang working title, ayon pa kay James Banaag ng ABS-CBN Films.

Abangan natin ang iba pang developments in the coming days tungkol sa film na ‘to ng dalawang regular “It’s Showtime” host.

###

Na-excite ang online fans ni Matt Evans dahil sa pahaging o pahiwatig niya sa Instagram na balik na siya sa kanyang mother network, ang ABS-CBN.

“Home sweet home. Thank you, Lord,” ang Insta post ni Matt, kaalinsabay ng kanyang pagpo-post ng colors red, green and blue na siyang mga kulay ng official logo ng Kapamilya Network.

“The Greatest Love” (2016) ang huling ABS-CBN teleserye na nilabasan ni Matt bago siya nagpasyang lumipat nung 2017 sa GMA-7 kung saan lumabas siya sa mga shows tulad ng “Tadhana,” “Pepito Manaloto,” “Tunay na Buhay,” “Dear Uge,” “Sunday PinaSaya,” “The Cure,” at iba pa. Nakarami naman pala siya ng gawa sa Kapuso Network bago bumalik sa kanyang pinagmulan.

###

Malat o paos si Jodi Sta. Maria dahil daw sa kung anumang virus na nasagap niya sa kanyang Thailand trip kamakailan, but the professional that she is, dumalo pa rin siya sa Man and Wife presscon na ginanap sa Racks Restaurant, Timog Avenue, Quezon City, nitong Huwebes, April 25.

Tinanong sa presscon ang aktres hinggil sa napabalitang engagement ng ex-boyfriend niyang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

As a bit of a backgrounder, naghiwalay sina Jodi at Jolo noong June 2018, matapos ang more or less six years nilang on-and-off relationship. Nito lang katatapos na Holy Week break, noong April 20, naispatan sa Boracay si Jolo kasama ang bago nitong girlfriend na si Binibining Pilipinas 2016 first runner-up Angelica Alita. Napansin ang suot ni Angelica na diamond ring, na hinihinalang engagement ring mula kay Jolo.

Kahit hirap na hirap magsalita, sinikap pa rin ni Jodi na sagutin ang katanungan ng entertainment reporters, lalo na ang patungkol kay Jolo and his new flame.

“It’s not for me to comment on. Kasi, you guys know naman that we’re no longer together,” malumanay na nakangiti na sabi ni Jodi.

No-show si Gabby Concepcion sa naturang presscon. Dahil ba sa Kapuso siya at Kapamilya si Jodi? O sadyang mailap na talaga sa press si Gabo sa ngayon?

Anyhow, ipapalabas na ang Gabby-Jodi movie na ito nationwide on May 8.

 

221

Related posts

Leave a Comment