XIAN LIM TODO-TODO MAGTRABAHO SA MGA PROJECTS 

xian123

I SAY(NI RK VILLACORTA)

HINDI ko alam kung ano ang nag-i-inspire kay Xian Lim para magtrabaho nang todo. Hindi naman siguro nagmamadali ang aktor na magplano na ng kanilang kasal ng girlfriend na si Kim Chiu habang ang ilan sa mga kaliga nila ay “kasalan” na ang pinag-uusapan.

Kahit walang TV Network na naka-back-up sa kanya o walang regular drama serye, umaalagwa pa rin ang career ng binata. Halos sunud-sunod ang film projects niya since he moved out of Star Magic Management at pumirma sa Viva Artists Agency. Sagad-sagaran na ang sked ni Xi sa showbiz – pati na rin  sa basketball stint niya with the Mandaluyong team.

Di nga ba’t katatapos lang maipalabas ang movie niya with Louise delos Reyes kung saan nag-shooting pa sila sa Saga Prefecture in Japan?

Recently, almost a month siya nag-stay sa Tbilisi, Georgia (dating bahagi ng USSR) para mag-shoot with Cristine Reyes (with her red hair character and Xian naman with his unshaven na balbas kung saan he looks dirty at may katabaan).

Before they left for the shooting under Sigrid Andrea Bernardo (Kita Kita) ay tinapos na rin pala ni Xian ang first Cinemalaya 2019 entry niya na Tabon (about the cavemen ng  Tabon Cave in Palawan), ang kanyang directorial debut.

Sa super ngaragan na schedule ng aktor, naka-line-up pa ang isang untitled film nila ni Alex Gonzaga for this year at ang pinaghahandaan niyang bagong art exhibit – this time as a solo visual artist.

First quarter pa lang ng 2019,  solb na si Xian at quotang-quota na.

                                                                                        # # #

Kawawa naman ang guwapong si Enzo Pineda na sa simula ng kanyang panliligaw sa isang female star na kasama niya sa Kapamilya Network ay bokya na kaagad siya. Hindi man lang daw naka-two months sa panliligaw ang binata.

Nope, hindi siya tinabla ng Kapamilya star niya kundi ang ina ng babaeng nililigawan niya.

Ang tsika diumano ay ayaw daw kasi ni Madir na small time hardware shop owner lang ang pamilya ni Enzo at the time na nililigawan niya ang naturang female personality.

Iba kasi ang pangarap ni Madir sa anak niya na rumored na may lihim na karelasyon na nagbibigay sa kanya at sa pamilya niya ng ginhawa at feeling rich lifestyle. Love na love daw ito ni Madir dahil inalagaan daw ang anak niya. Ito raw ang mag-aahon sa kanila sa kahirapan.

Sa kabila ng kumakalat na tsismis sa estado ngayon ng female personality na minsang niligawan ni Enzo, ini-enjoy ng ina ang material gain ng anak niya sa sinasabing “karelasyon” nito na isang richy rich na non-showbiz guy.

 

82

Related posts

Leave a Comment