YASMIEN KURDI MALAPIT NANG MATUPAD ANG PANGARAP

yas

I SAY(NI RK VILLACORTA)

GUSTO ko ang pangarap ni Yasmien Kurdi. Hindi kasi lahat ng mga artista na namamayagpag sa showbiz ay may pangarap na tulad ng sa kanya.

Sa grand media conference ng bagong serye ng GMA-Kapuso Network na “Hiram na Anak,” ipinagmamalaki ni Yasmien na malapit na niyang makuha ang kanyang inaasam-asam na diploma after years ng pagtitiyaga na mag-aral sa kabila ng pagiging busy din niya sa kanyang showbiz career.

Kahit hectic ang working sked niya ay naisingit niya ang pag-aaral. Ga-graduate na ang aktres sa kursong nursing sa Arellano University.

Kuwento niya: “Sa lahat ng hirap, puyat na pinagdaanan ko sa buhay para lang makapag-aral habang nagtatrabaho para itaguyod ang aking pamilya, sa dami ng nakuha kong units sa mga kurso na parang nakapag-masteral na ‘ko… Finally, malapit na ‘ko mag-graduate.

“Sobrang excited na talaga ako ‘pag naiisip ko na matutupad na ang matagal na pangarap ko at ng aking nanay. Mama, malapit na po, pasensiya na at na-late ako.”

Ang bagong drama serye ni Yasmien ay nagsimula na ng Lunes. She plays wife to husband Dion Ignacio. Sa direksyon ito ni Gil Tejada.

94

Related posts

Leave a Comment