HIGIT LIBO BINIGYAN NG CASH GRANT SA CEBU

d30grant

(NI LILIBETH JULIAN)

PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamamahagi ng cash grant sa mga benepisaryo ng Unconditional Cash Transfer sa Cebu City nitong Linggo.

May kabuuang 1,531 beneficiaries ang nabiyayaan ng cash grant na ginanap sa Cebu Technological University.

Sa talumpati ng Pangulo, sinabi nito na tinutugunan ng gobyerno ang mga pangangailangan ng mga Pilipino partikular na ang libreng edukasyon; health care at social assistance.

Dito ay hinimok pa ng Pangulo ang mga empleado ng gobyerno na patuloy na pagsilbihan ang mga mamamayan sa bansa nang may dedikasyon, katapatan, may pagpapakumbaba at tulungan siyang gawing mas progresibo ang bansa.

Ang unconditional cash transfer ay ang benepisyong alok sa ilalim ng tax reform ang accelation inculsion (TRAIN) Law na layong bigyan ng tulong pinansyal ang mga benepisaryo nito.

7

Related posts

Leave a Comment