SI DPWH-REGION 1 DIR. RONNEL TAN AT ANG 4K PARTY-LIST

TARGET COLUMN NI KA REX CAYANONG

ISA na namang mahalagang imprastraktura ang matagumpay na natapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) – ang 2.2-kilometrong Bangui Bypass Road Project sa Bangui, Ilocos Norte.

Sa halagang P313.21 milyon, ang bagong four-lane road ay magpapabilis ng biyahe sa pagitan ng Brgy. Bacsil at Brgy. Nagbalagan, mula sa dating 10 minutong paglalakbay, ngayon ay apat hanggang limang minuto na lamang.

Ayon kay DPWH-Region 1 Director Ronnel Tan, ang kalsadang ito ay hindi lamang naglalayong mapabilis ang pagbiyahe kundi matiyak din ang kaligtasan ng mga motorista.

Mayroon itong drainage system, slope protection structure, road safety measures, streetlights, at isang 46.30-metrong tulay na magbibigay ng matibay at maaasahang daanan para sa mamamayan.

Higit pa sa pagiging simpleng kalsada, ang Bangui Bypass Road ay magiging daan tungo sa mas mabilis na transportasyon ng lokal na mga produkto, pagpapabuti ng serbisyong pampubliko, at pagpapalakas ng ekonomiya ng Ilocos Norte.

Ito ay patunay ng dedikasyon ng pamahalaan sa pagpapahusay ng imprastraktura upang mapabuti ang buhay ng bawat Pilipino.

Samantala, sa panig naman ng pagsusulong ng kapakanan ng kababaihan at pamilya, patuloy na lumalakas ang suporta para sa 4K Party-list.

Ayon kay 4K 1st Nominee Iris Montes, marami nang buhay ang nabago dahil sa kanila kaya’t tinanggap nila ang hamon na maging boses sa Kongreso upang mas marami pang Pilipino ang matulungan.

Lubos ang pasasalamat ng 4K Party-list sa mga lider ng Quezon na walang sawang sumusuporta sa kanilang adhikain, kabilang sina Governor Doktora Helen Tan, Vice Governor Third Alcala, Cong. Atorni Mike Tan, Bokal Ola Eduarte, at Bokal Harold Butardo.

Dahil sa kanilang suporta, patuloy na lumalawak ang abot ng 4K sa iba’t ibang komunidad.

Isang patunay ng lumalakas na kumpiyansa ng publiko sa 4K Party-list ay ang pagiging Top 10 sa pinakahuling survey.

Ipinakikita nito na maraming Pilipino ang naniniwala sa adbokasiya ng grupo para sa kababaihan, pamilya, at mas inklusibong kaunlaran.

Sama-sama nating itaguyod ang 4K at tiyaking may boses sa Kongreso ang mga ina, kabataan, at pamilya sa ating bansa!

40

Related posts

Leave a Comment