Smuggle pa more! BAGSAKAN SINALAKAY

BILANG tugon sa panawagan ng mga magsasaka mula sa Cordillera, tinatayang P4.75-bilyong halaga ng mga pinaniniwalaang smuggled na gulay at iba pang produktong agrikultura ang sinamsam ng Bureau of Customs (BOC) sa magkahiwalay na operasyon sa Tondo, Maynila.
Bitbit ang isang mission order na pirmado ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero, sinalakay ng mga operatiba mula sa BOC-Intelligence Group at Manila International Container Port (MICP) ang mga bodega sa Tondo, Maynila kung saan tumambad ang iba’t ibang klase ng gulay na illegal na ipinasok sa bansa.
Una nang dumaing ang magsasaka mula sa Cordillera hinggil sa anila’y lantarang bentahan ng mga smuggled na gulay sa merkado, bagay na kanilang ikinabahala dahil napag-iiwanan anila ang kanilang mga produkto.
Kabilang sa mga inabutan ng mga kawani ng BOC ang mga imported na carrots, bawang, broccoli, luya at mga sibuyas na mula sa bansang Tsina.
Sa kanilang pagtatala, aabot sa P4.75 milyon ang halaga ng mga nasamsam na gulay na itinago sa dalawang bodega sa Kalye Bilbao at Planas sa Tondo, Maynila.
Ayon kay Customs Deputy Commissioner for Intelligence Raniel Ramiro, bigong makapag-prisinta ng mga dokumentong patunay sa pinagbayarang taripa katumbas ng mga tumambad na imported agricultural products. Wala rin aniyang import permits na naipakita.
Sa dami ng mga tumambad na gulay, hindi na nakuha pang alisin ng mga operatiba ang mga nasamsam na smuggled goods. Gayunpaman, ikinandado ang  mga bodega kasabay ng selyong nilagdaan ng mga kinatawan ng kawanihan at mga nagmamay-ari ng mga nasabing bodega
“The owner failed to present proof of payment of duties and taxes and the corresponding import permit during the inspection,” ani Ramiro.
“This is still in line with our mandate to protect the country’s borders against the illegal importation of goods. We are making good our promise of strengthening border control and we are intensifying efforts to assure the safety of these products,” dagdag pa niya.
Gayunpaman, walang ina­resto sa nasabing operasyon.
Sa isang pahayag, kinondena ni Guerrero ang aniya’y tangkang pananabotahe sa ekonomiya ng bansa.
126

Related posts

Leave a Comment