HEALTHY ANG KIMCHI

KIMCHI

Ang kimchi (o kimchee) ay salted, fermented na gulay at isang uri ng kilala at tradisyunal na side dish sa Korea.

Isa itong super spicy condiment.

Ang main ingredient nito ay Napa cabbage o Chinese cabbage. Sa iba naman kung hindi cabbage ay radish o labanos ang ginagamit.

Kasama ng cabbage ay hinahalo rito ang bawang, suka, asin, chili peppers at iba pang spices kaya naman masarap na masarap.

Natural na gusto ito ng mga Koreano, pero gustung-gusto rin ng mga Pinoy dahil marami rin naman sa atin ang sadyang kumakain ng maaanghang na pagkain.

Ang kimchi ay kinakain din bilang mismong ulam kasama ng kanin o noodles. Sa iba ay kinakain lang ito na walang ibang kasama.

KOREAN FOOD MAS HEALTHY

Mas healthy ang pagkain ng mga Koreano kumpara sa pagkain nating mga Pinoy.

Sa pagkukumpara, ang pagkain ng Koreano ay mababa sa fats at lagi silang may gulay at ito ay dahil din sa lagi silang may kimchi sa bawat pagkain nila.

Sa mga Koreano, ang kimchi ay itinutu­ring na pampalusog at nakatutulong para sa maayos na digestion o panunaw.

Maliban sa mabuti sa digestion, ang kimchi ay mataas sa fiber at mababa sa fat. Kaya naman hindi nakapagtataka na mababa talaga ang obesity rate sa Korea.

Ang kimchi ay mayaman din sa vitamins A, B, and C ngunit ang pinakamahusay na benefit nito ay ang healthy bacteria na lactobacilli na natatagpuan din sa mga fermented food. Ang lactobacilli ay sinasabing nakatutulong para tayo ay makaiwas sa pagkakaroon ng cancer.

Sa good bacteria na ito ay nakatutulong din sa paghinto ng yeast infections.

KIMCHI PINOY VERSION

Pinoy kimchiDahil mahilig tayo sa pagdiskubre o “paglaro”, ang mga orihinal na pagkain ay pinasasarap pa natin. Madalas ay dinadagdagan ng iba’t ibang rekado o kaya naman ay iniiba mismo ang orihinal na rekado ng mga putahe.

Dito sa atin mayroon na rin tayo niyan – tatak atin! Ito ang Pinoy kimchi.

Sa Pinoy kimchi, ang ginagamit natin dito ay ang pechay Baguio. Samantalang ang ibang ingredients nito ay hawig lang din sa original Korean kimchi.

Maliban sa paggamit ng pechay Baguio, pwede ring pamalit dito ang pipino.

702

Related posts

Leave a Comment