(NI LILIBETH JULIAN)
Good news sa mga atleta.
Magtatayo na ng establisimyento ng Philippine Sports Training Center, na magsisilbi bilang “official home and primary venue for the development of athletes in the national team.”
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Pebrero 14 ang Republic Act 11214, batas para sa paglikha ng ‘state of the art at highly scientific sports center’.
Nakapaloob dito na kailangan na ang training center ay mayroong iba’t ibang amenities kabilang na ang baseball field, beach volleyball courts, bowling center, covered swimming and diving pool, a football field, gymnastics center, multi-purpose gymnasium, multi-purpose field, a rugby pitch, skeet and trap range, softball field, track and field oval, tennis courts, velodrome, weight training building, at iba pang maliliit na pasilidad.
Aabutin ng 18 buwan ang pagpapatayo ng training center na popondohan ng P3.5 bilyong mula sa General Appropriations Act at pangangasiwaan ng Philippine Sports Commission.
Laan ang itatayong training center sa lugar para sa kaaya-ayang high-level training na mga atleta, coaches at referees sa bansa.
402