7TH WIN IKOKONEKTA NG KATROPA

jones12

(NI JJ TORRES)

MGA LARO NGAYON:

(CUNETA ASTRODOME)

4:30 P.M. — TNT KATROPA VS COLUMBIAN

7 P.M. — SAN MIGUEL VS ALASKA

BALAK solohin muli ng TNT KaTropa ang top spot ngayong hapon sa laban nila ng Columbian Dyip sa PBA Commissioner’s Cup sa Cuneta Astrodome.

Magsisimula ang laro sa ganap na alas-4:30 ng hapon kung saan ang KaTropa, sa pangunguna ng import na si Terrence Jones, ay balak sungkitin ang ikapitong panalo sa walong laro ng midseason conference.

Si Jones ay galing sa pag-score ng career-high 49 points nang talunin ng TNT ang Meralco Bolts, 104-91, noong Sabado sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-aaverage si Jones ng 33.9 points, 15.1 rebounds, 6.3 assists and 2.4 blocks ngayong conference.

Inaasahan din nina TNT coach Bong Ravena at consultant Mark Dickel na mag-aambag  ang local players na sina Troy Rosario, Roger Pogoy, Don Trollano at Ryan Reyes.

Inaasahan namang magbabalik na ang resident star ng koponan na si Jayson Castro, matapos ikasal noong nakaraang Sabado sa nobyang si Lyle Mariano sa Pampanga.

Balak naman makabalik sa dating porma ang San Miguel Beermen sa pakikipagtuos sa Alaska Aces sa alas-7:00 ng gabi.

Ang Beermen ay may record lamang na 1-3 matapos mabigo sa defending champion Barangay Ginebra San Miguel, 110-107, sa overtime nitong Linggo.

Sa kabila nito ay kumpiyansa sina coach Leo Austria, import Charles Rhodes, June Mar Fajardo at Chris Ross na ito ay magiging simula ng kanilang turnaround matapos indahin ang hangover ng kanilang championship run sa Philippine Cup.

Ang Alaska naman ay umaasa na mag-iimprove ang bagong import nilang si Nino Johnson para makaangat sa standings.

May record na 4-3 ang Aces at nasa fourth place.

217

Related posts

Leave a Comment