AKSIYON SA PBA PHIL CUP CEASEFIRE MUNA

pba12

(NI JOSEPH BONIFACIO)

TIGIL-LARO muna ang apat na koponang naglalaban-laban sa 2019 PBA Philippine Cup semifinals simula ngayong Huwebes, bilang paggunita sa Mahal na Araw.

Kasagsagan na ng best-of-seven series ang apat na koponan – San Miguel Beer, Magnolia, Phoenix at Rain or Shine.

Babalik ang aksyon sa Linggo.

Bago magpahinga, hawak ng Beermen ang 2-0 bentahe labans a Phoenix.

Ang SMB ay naghahangad ng kanilang ikalimang sunod na titulo sa All-Filipino Conference.

Habang nakahirit naman ng panalo ang Magnolia Hotshots sa hulinglaro kontra Rain or Shine noong Martes.

Para kay SMB coach Leo Austria, magandang panahon ang Semana Santa, hindi lang para makapagpahinga sa mapisikal na laro sa semis, kundi ang makapagnilay-nilay ang mga manlalaro kasama ng kani-kanilang pamilya.

“I will them time to be with their families because it is the time for all of us to rest and reflect,” lahad ng 6-time PBA champion coach na si Austria.

Tangan naman ng Rain or Shine ang 2-1 edge laban sa Magnolia, kaya’t inaasahang piipilitin ng Hotshots na makatabla sa pagbabalik ng laro sa Lunes.

85

Related posts

Leave a Comment