COOL SMASHERS, MAAGANG NAGPARAMDAM

volley55

(PHOTO BY MJ ROMERO)

SINIMULAN ng Creamline Cool Smashers ang kanilang title-retention bid sa pamamagitan ng straight sets win laban sa Air Force, 25-23, 25-20, 25-15, sa pambungad na aksiyon sa 2019 Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa Filoil Flying V Centre sa San Juan.

Pinangunahan ni Michelle Gumabao ang atake ng Cool Smashers sa kanyang 14 points, lahat galing sa kills, habang si Alyssa Valdez ay nagsumite ng 13, 10 mula sa hits, dalawa sa service aces at isang block.

“We’re really expecting a long and hard match, but definitely in the first set, even as a team, nag-adjust din kami,” pahayag ni Valdez matapos ang laban,

Matapos ang kakabug-kabog na first at second set, kumalma ang Creamline, nagpasabog ng 10-7 lead na ginawang 18-9 sa magkatuwang na atake nina Gumabao at Valdez.

Nagdagdag naman si Risa Sato ng 11 points, may siyam si Jema Galanza at may 23 excellents sets naman si Jia Morado.

Haharapin ng Creamline ang Motolite, habang ang Air Force ay makikipagtipan sa BanKo sa pagpapatuloy ng aksyon sa Miyerkoles sa San Juan venue.

 

83

Related posts

Leave a Comment